^

PSN Showbiz

Miss Universe 2017 gagawin sa Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magdadatingan sa Pilipinas ang mag naggagandahang kababaihan mula sa iba’t ibang bansa para angkinin ang titulong Miss Universe na kasalukuyang hawak ni Pia Wurtzbach.

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) ngayong Huwebes na sa Pilipinas gagawin ang grand coronation night ng Miss Universe sa Enero 2017.

Sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo sa isang pulong balitaan na private sectors ang sasagot ng mga gastusin para sa pinakamalaking beauty pageant sa buong mundo.

Sa kaniyang courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte nito lamang ay nabanggit ni Wurtzbach ang pagdaraos ng Miss Universe dito.


Courtesy call of reigning Miss Universe Pia... by philstarnews

Pumayag naman si Duterte ngunit dapat ay walang gagastusin ang gobyerno at pribadong sektor ang mamumuhunan.

Taong 1994 pa nang huling gawin ang grand coronation night sa Pilipinas kung saan si Sushmita Sen ng India ang nanalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with