^

PSN Showbiz

Matapos ipagtanggol, Claudine pinaingay ang isyu sa mag-amang Piolo at Iñigo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagpasalamat kay Claudine Barretto ang fans ni Piolo Pascual sa pagtatanggol niya sa actor tungkol sa malisyosong isyu nito sa anak na si Iñigo Pascual. Pinost ni Claudine sa Instagram (IG) ang pagtatanggol niya sa mag-ama, “First of all im not a person na mapagpatol only up to a certain Point. There are people who’s personal Hobby & I guess Habit na manira at manakit at mag SPREAD NG FALSE, PAINFUL, BELOW THE BELT COMMENTS sa mga artista na d naman nila EVER NAKASAMA O KAKILALA PERSONALLY!! I am ver Protective of the people i luv so soo well  like @piolo_pascual ang tagal  na kaseng ganito mga rumors kelan ba kayo titigil. Ako at ang mga kaibigan, kapatid at kapamilya ni Piolo ang MAS NAKA­KAKILALA SA KANYA. Sobrang ka­bastusan na etong mga memes nyo tungkol kay PJ at @iminigopas­cual gusto ko pong makiusap at mapagtang­gol si Piolo simply because i know him very well. U guys r hitting not only a good but GREAT MAN!

“Wala hong ginagawa sa kanila yung tao Rumespeto naman tayo sa inambag ng isang Piolo Pascual sa industria dahil kapag nabigyan kayo ng pagkakataon makilala si Piolo sinisi­guro ko lahat ng mga namba bash sa kanya mapapahiya po kayo at pls. Lang wag tayo mandamay ng mga anak.”

May mga naniwalang hindi na dapat nag-post si Claudine ng ganito dahil lalo lang daw niyang pinaingay ang isyu. Pero may rason si Claudine at nasasaktan nga siya para kina Piolo at Iñigo, ibigay na natin ito sa kanya.

Billy hindi aware na marunong magpatawa

Puring-puri ni director Joel Lamangan ang cast ng That Thing Called Tanga Na dahil mga professio­nal bukod sa maganda ang attitude sa trabaho at walang mga reklamo. Special mention nito si Angeline Quinto na first time niyang naka­trabaho sa nabanggit na pelikula. Hindi raw na­takot sa kanya ang singer-actress at first time na may newcomer na hindi natakot sa kanya, kaya tuwang-tuwa siya rito.

Ang kuwento ni direk Joel, ‘pag may hindi alam si Angeline, lumalapit ito sa kanya at nagtatanong kung paano gagawin ang eksena.

Dagdag pa ni direk Joel, nagulat siya kay Angeline dahil hindi niya alam na kaya nitong umar­te at puwede raw itong komedyante. Kaya pumayag siyang idirehe itong muli sa another Regal Films movie na Never Been Touched, Never Been Kissed  kapareha si Jake Cuenca.

Ang maganda naman kay Billy Crawford, hindi nito alam na nakakatawa siya. Hindi  aral ang comedy nito, kaya mas natural at mas nakakatawa. Isa ang eksena ni Billy sa trailer na tinawanan nang husto at marami pa siyang laugh trip na eksena.

Sa August 10 na ang showing ng That Thing Called Tanga Na, na pinagbibidahan din nina Eric Quizon, Martin Escudero at Kean Cipriano.

Rafa pinag-iinteresan na

Kasama sa cast ng Encantadia si Rafa Siguion Reyna at importante ang role niya bilang si Enuo na ama nina Alena at Dana­ya. Alam ng nakapanood ng unang Encantadia ang istorya kung paano naging magsing-irog ni Reyna Mine-a (Marian Rivera) at kung paano sila nagkaanak.

May mga nagawa nang teleserye si Rafa sa GMA-7, pero mukhang dito siya makikilala dahil marami na ang interesado sa kanya.

Samantala, kahit kontrabida ang role ni Rochelle Pangilinan na si Agane, gusto pa rin siya ng Encantadiks dahil astig ang por­ma nito at magaling sa fight scenes. Pansin din ang ganda ng katawan ni Rochelle na fit na fit at may abs pa.

Hindi man pelikula ang fantaserye, masaya na siya sa action at fight scenes na ipinagagawa sa kanya ni director Mark Reyes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with