^

PSN Showbiz

Batang kinidnap noong 1997, nahanap ni Jessica Soho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakaabang ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang televiewers na sumusubaybay sa kuwento ni Laurie Dollente, ang ina at lung cancer victim na naghahanap sa kanyang anak na 19-years nang nawawala.

Hoping ang fans ng show ni Mama Jessica na magkakaroon ng happy ending ang paghahanap ni Laurie sa anak niya na Earl ang pangalan dahil sa paglitaw ng isang Armstrong Miggy. Parang teleserye  na punumpuno ng twist ang pagsubaybay sa kuwento ni Laurie.

Kasing-edad ni Earl si Armstrong Miggy na natuklasan ang pagiging ampon noong 2012. Napanood ng bagets ang panayam ni Mama Jessica kay Laurie. Kinilabutan si Armstrong Miggy dahil sa kutob nito na baka siya si Earl na kinidnap noong 1997.

Iniyakan ng televiewers ang makabagbag-damdamin na kuwento ni Laurie na ipinagdarasal na makita ang missing son bago siya bawian ng buhay.

Ang paglitaw ni Armstrong Miggy ang nagbigay ng pag-asa sa viewers ng show ni Mama Jessica na magkakaroon na  ng closure  ang matagal na pagdurusa at paghahanap ni Laurie.

Nanay nanawagan…

May mga tao na likas na masama at kaligayahan na ang mamerwisyo ng kapwa. Naranasan ito ni Laurie dahil lumabas sa TV ang contact number niya. Mula noon, nakakatanggap na si Laurie ng prank calls kaya may panawagan siya sa lahat.

“Ako po ay humihingi ng pang-unawa sa lahat ng mga tumatawag at nagte-text mula ng ipalabas ang aming panawagan sa KAPUSO MO, JESSICA SOHO.

“Isa pong napakalaking pagkakamali sa parte ng humahawak ng social media  ( account ) nila ang paglalagay po ng aking personal na numero sa kanilang mga inilalathala na hindi nila inihingi sa akin ng kaukulang permiso na nararapat lamang nilang gawin sapagkat napakaselan ng aming sitwasyon.

“  Hawak nila ang aming storya at alam na alam nila ang aming pinagdaanang hirap. Pinili ko po munang manahimik dahil umasa akong maitatama pa po nila ang kanilang pagkakamali.

“ Pagkatapos na pagkatapos ipalabas ang aming segment wala ng tigil ang tawag at text, napakadami naming natatanggap na pananakot na papatayin si Earl, mga humihingi ng pera para isoli nila, at kung anu-ano pang klase ng pananakot at pagbabanta.

“ At nitong mga huling araw ay mas tumitindi pa sapagkat nambabastos na. Ako po ay nagmamakaawa na tigilan nyo na po ang mga ginagawa nyo, kami po ay lumabas para manawagan dahil naghahanap po kami ng anak hindi po namin ginawa iyon para magkapera, lahat ng mga pinaunlakan namin ng interview sila ang makakapagpatunay sa inyo na ni minsan hindi kami nagtanong tungkol sa ibabayad sa amin dahil hindi pera ang kailangan namin kundi ang maibalik ang aming anak.

“ Hindi po madali para sa amin ang paulit-ulit na alalahanin at isalaysay ang napakapait na parte ng aming buhay. Kung tunay po at totoong hawak nyo ang aming anak, hindi n’yo po kailangang manakot at manghingi ng pera kung talagang gusto n’yong isoli sa amin.

“ Nanunumbalik lamang po ang lahat ng hapdi at sakit ng mga naranasan namin noon.

“ Sa mga nagpapadala ng magaganda at makabuluhang mensahe hindi ko po kayo maisa-isang pasalamatan sapagkat naninikip po ang dibdib ko sa tuwing tutunog po ang aking cellphone.

“ Alam po ng Diyos ang aming taus- pusong pasasalamat sa inyong lahat na nagdarasal na matagpuan na namin ang nawawala naming anak at para sa aking paggaling. Maraming salamat po sa inyong lahat.”

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with