PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jessy ‘di pa ipinakikilala ni Luis kina Edu at Cong. Vi

Jessy Mendiola

Malaki ang pasasalamat ni Jessy Mendiola kay Luis Manzano dahil sa paglilinaw ng aktor na hindi ang dalaga ang dahilan ng hiwalayan nila ni Angel Locsin.

Muling nagkahiwalay sina Luis at Angel ilang buwan na ang nakalilipas kaya nasangkot si Jessy na sinasabing espesyal daw ngayon sa puso ng aktor. “Dapat naman talaga niyang sabihin ‘yun kasi totoo naman. Grabe naman, I wouldn’t ruin a relationship. Kapag nangyari ‘yun sa akin, baka magpakamatay na lang ako, pero hindi talaga. Thank you sa kanya na sinabi niya ‘yun,” nakangiting bungad ni Jessy.

Madalas na nakikitang magkasama ang aktres at si Luis pero hindi pa raw naipakikilala ng binata si Jessy sa mga magulang nito. “Wala pang gano’n, we just go out. Parang ginagawang sobrang big deal. It’s two people who are single. We hang out, we have fun with friends so I don’t see anything spectacular about that na sobra-sobra,” paglilinaw ni Jessy.

Ayon pa sa aktres ay matagal na niyang kaibigan si Luis at lalo silang naging malapit sa isa’t isa noong isang taon. “Kapag nag-a-ASAP ako, parati siya nangangamusta. Palagi kaming naglolokohan as friends. Siya ‘yung tipong friend na ang tagal-tagal mong hindi nakikita pero kapag nag-usap kayo about life, ang dami n’yong napag-uusapan, nagka-catch up kayo. Naging mas close kami of course ‘yung not so good incident last year,” pagbabahagi ng aktres.

Matatandaang sangkot si Jessy sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan nina Luis at Enrique Gil dahil sa isang insidente sa eroplano noong isang taon.

Sofia tanggap na type ni Diego si Nadine

Marami ang nagtatanong kina Sofia Andres at Diego Loyzaga kung magkasintahan na ba ang dalawa. Makikitang sweet sina Sofia at Diego sa kanilang mga larawan sa social media. “We go out, bonding lang. hindi siya dating, we just like each other’s company, and kasi we have serye this year. Basta I just like to be with him,” pahayag ni Sofia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Maituturing daw ng dalaga na si Diego ang pinakamalapit sa kanya sa lahat ng kaibigang lalaki. “Siya ‘yung tina-trust ko now sa mga boys. Kasi I’m not really mabarkada, I won’t deny kasi nakalagay naman sa Instagram,” pagtatapat ni Sofia.

Hindi rin masabi ng aktres kung nililigawan na siya ni Diego sa ngayon. “No naman, wala pang formality,” giit niya.

Samantala, aminado si Diego na crush nito si Nadine Lustre pero hindi naman daw pinagseselosan ni Sofia ang aktres. “That’s normal. Ako, may crush din ako, he knows naman. Maybe type niya talaga si ate Nadine. She’s pretty naman talaga, morena, Filipina beauty,” pagtatapos ng dalaga.

Hindi pa man opisyal na magkarelasyon ay ‘Bub’ na raw ang tawagan nina Sofia at Diego ngayon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: