^

PSN Showbiz

Toni at Direk Paul lalaki ang panganay

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tuwang-tuwa pala si Toni Gonzaga nang malamang lalaki ang kanyang ipinagbubuntis. Sa kanilang dalawa ng mister na si Direk Paul Soriano, si Toni pala ang may gustong lalaki ang maging panganay nila.

Sabi ni Direk Paul, noong una raw, kahit babae o lalaki ay okey lang sa kanya, pero excited naman siya na lalaki ang magiging panganay nila ng kanyang misis.

Sa ngayon daw, wala pa silang final name na napipili sa anak nilang isisilang sa last week of September o first week of October.

Kuwento nga pala ni Direk Paul, kung nagkakaroon sila ng argumento ng kanyang misis, palaging si Toni raw ang nananalo.

Anyway, si Direk Paul ang direktor at producer ng pelikulang Dukot ni Enrique Gil.

Ang Dukot ay maka­ka­tapat ng Imagine You and Me nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza.

Si Shaina Magda­yao ang kapareha ni Enrique sa pelikulang ‘yun, pero nangako raw ang die-hard fans ng loveteam nila ni Liza Soberano na susuportahan ang Dukot.

Ang AlDub fans naman, nagre-react na biglang may tumapat na local movie sa Imagine You and Me nina Alden at Maine, huh!

Hindi nagustuhan ng rumored GF Kim ginupit ang buhok ni Xian!

Nagpagupit na rin ng buhok si Xian Lim. Inamin ng binata na ang rumored-girlfriend niyang si Kim Chiu ang may gustung-gusto na magpagupit na siya, kaya ang dalaga pa ang unang gumupit ng buhok niya kamakailan at inayos na lang ‘yun ng hairstylist.

Hindi raw gusto ni Kim na mahaba ang buhok ni Xian.

Actually, mas guwapo si Xian kapag maigsi ang buhok niya!

Sa July 9 na ang concert ni Xian sa Kia Theater, kaya naman very visible siya ngayon at kaliwa’t kanan ang interviews para sa promotions ng proyektong ‘yon.

Isa si Abra sa mga magge-guest sa concert ni Xian at kamakailan, nagpakita sila ng sample ng gagawin nila nang mag-guest sila sa Magandang Buhay morning talk show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

In fairness, mukhang promising ang concert ni Xian at magaling ang pa-sample nila ni Abra, huh!

Chill lang Jessy at Luis ayaw lagyan ng label ang relasyon

Si Jessy Mendiola na nga ang sexiest woman ng FHM ngayong 2016! Marami ang natuwa sa panalo ni Jessy, although nagre-react ang fans ng ibang mga artistang babae na tinalo niya sa titulong ‘yun. Sabi naman ng mga taga-FHM, deserving si Jessy sa titulong ‘yun.

Sobra rin ang effort ng fans ni Jessy para talunin niya sa titulong ‘yun sina Jennylyn Mercado, Nadine Lustre, Marian Rivera at iba pa.

Sa mga interbyu kay Jessy, halatang masaya siya na siya ang nanalo na sexiest woman ng FHM.

Mukhang may niluluto namang bagong proyekto ang ABS-CBN para kay Jessy lalo na at siya na ang sexiest woman ngayon ng ‘Pinas.

Anyway, hindi na rin inililihim ni Jessy ang madalas na paglabas-labas nila ni Luis Manzano, pero ayaw niyang i-label na date ang ginagawa nila dahil kung minsan ay grupo sila na lumalabas.

Sa tanong kung nanliligaw sa kanya ang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano, sinabi ni Jessy na dapat na si Luis ang tanungin tungkol sa bagay na ‘yon, pero may pag-asa raw ang ex ni Angel Locsin kung saka-sakali.

Aba, bongga kung magiging girlfriend ni Luis si Jessy at talbog niya si JC de Vera na naging close sa dalaga bago siya umeksena, ‘noh?!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with