^

PSN Showbiz

Angel pumiyok na sa Darna!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bagaman at andun pa rin ang kanyang confi­dence, sinabi ni Angel Locsin na may bakas ng pag-aalala sa kanyang boses na hindi pa siya na­ka­ka-move on completely sa paghihiwalay nila ni Luis Manzano na sana raw ay masaya sa napapa­ba­litang romansa nila ng babaeng napiling Sexiest Woman ng FHM. Si Jessy Mendiola, ‘yun na finally ay hinirang nang Sexiest Woman, tinalo niya sina Jennylyn Mercado at Nadine Lustre sa pinakahu­ling bilangan na ginanap.

Sinabi pa ng artistang interesado pa ring ma­ging Darna na gusto niyang ga­­win pa rin ang sikat na he­roine basta makatiyak lamang siya na magaling na ang problema niya sa kanyang spine at binigyan na siya ng go signal ng kanyang doktor.

Tungkol naman kay Luis, sinabi niyang “Ano naman ang iri-react ko? Anything is possible,” anang napakaganda pa ring aktres na open pa rin sa pagtanggap ng manliligaw, pero mas pinapahalagahan ang pang­yayaring on the road to recovery na siya.

Jodi, Ian at Richard jackpot kay Direk Jadaone 

Hindi inakala nina Jodi Sta. Maria, Ian Vene­racion at Richard Yap na makaka-P14-M pa ang The Achy Breaky Hearts nila sa opening day nito. Ito nga ang nangyari kaya kung naging abala man sila sa promosyon ng movie bago ang palabas nito sa mga sinehan, abala pa rin sila sa pag-iikot nila ngayon sa mga programa ng ABS-CBN para magpasalamat sa mga nanood nito.

Proud ang tatlo sa accomplishment nila. Akala nila ay ganun na lamang ang gagawing pagtanggap ng mga manonood sa movie nila. For one wala naman silang romansa. Parehong taken na ang dalawang artistang lalaki at masaya sa kanilang marriage.

Kabi-break lang ni Jodi kay Vice Gov. Jolo Revilla kaya masyado pang maaga para humanap siya ng ka­palit. Hindi rin wise na ma-link siya sa isa man sa dalawa dahil maapektuhan ang isa pa. Hindi na rin sila mga teeny bopper na inaabangan ng fans ang lovelife, talagang isang malaking sorpresa ang excitement ng manonood sa The Achy Breaky Hearts.  

Only Antoinette Jadaone’s directing the movie ang kinakitaan ng justice sa magandang pagsalu­bong ng publiko sa pelikula. Talagang panahon nga­yon ng dalagang direktora, at gusto ng mga ma­nonood ang istilo niya sa paggawa ng pelikula.

Ito at ang pagtitiwala na ipinamamalas ng mga asawa nina Yap at Veneracion sa kanila ang nagsilbing malaking tulong sa tagumpay ng movie.

Mga kambal ni Joel milyun-milyon ang halaga

Napakagastos nga ng pagkakaroon ni Joel Cruz ng two sets of twins sa pamamagitan ng Invitro Fertilization, isang modernong proseso sa medisina na kung saan ay pwedeng magkaanak ang isang couple sa pamamagitan ng paglalagay ng mga egg cells nila sa sinapupunan ng isang babae at handang ipagbuntis ito ng siyam na buwan. Surrogacy ang tawag dito na siyang tema ng serye ng GMA na Sa Piling Ni Nanay.

Mga anim na mil­yong piso ang kina­ka­­­ilangang gastusin ng nagmamay-ari ng Aficionado Germany Perfumes para sa unang proseso na ginamit niya sa pagkakaroon ng kambal. Mas maliit ang gastos sa unang proseso dahil hindi na siya nagpabalik-balik ng Russia para sa maraming dokumento na kinakailangan niya para sa pagkakaroon niya ng anak.

Ang bansang ito lamang ang pumayag sa kinakailangan niyang medical procedure. Ganito rin ang proseso na ginawa ng mag asawang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho para sa anak nilang si Scarlet Snow. Mas mahal nga lang ang binayaran nila kaysa sa naging gastos ng Scent King.

Umatras sa UCLA, Kobe hindi pa alam kung saan papasok

Para namang hindi kapani-paniwala ang kakulangan sa academic conditions ni Kobe Paras kaya umatras siyang mag-enroll sa University of California Los Angeles (UCLA) para maging scholar sa nasabing eskwelahan sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball. Tanggap natin na over-qualified ang maraming Pinoy sa abroad hindi lamang sa mga trabahong tinatanggap nila kundi maging sa mga unibersidad na pinapasok nila. Sana lang ay makakita pa ng mapapasukan ang anak ni Benjie Paras at kapatid ni Andre Paras para mairaos ng libre ang kanyang pag-aaral at maisagawa ang sport na alam at mahal niya.

Xian ngayon lang magpapaandar sa kantahan

Maipapakita ni Xian Lim ang pagi­ging musikero niya sa gagawin niyang konsyerto sa Kia Theater sa July 9. Marami ang hindi nakakabatid na isang mahusay na musikero ang ka-loveteam ni Kim Chiu.

Bukod sa pagkanta marami siyang musical instrument na alam tugtugin. Ipapamalas niya ito sa konsyerto na kung saan ay makakasama rin niya sina Abra, Morisette Amon, Richard Poon at Dawn Chang.

Magpapakita rin ng mga dance moves na ngayon lamang gagawin ng aktor na hinubog ng panahon at pinagaling ang talento sa pag-arte. Ang galing niya rin sa Story Of Us kasama si Kim.

Liza absent sa Dukot

Masaya ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga. Lalaki kasi ang ipinagbubuntis ng TV host. Obvious na lalaki ang gustong maging unang anak ng dalawa, lalo na si Paul na direktor ng isang movie na nagtatampok kay Enrique Gil sa isang kakaibang role.

Ito ang Dukot na wala ang ka-loveteam ni Quen na si Liza Soberano na absent ang kapareha niya sa Forevermore at Dolce Amore at ilan ang matagumpay na pelikula. 

Isang suspense thriller ang Dukot na inaasahang magpapakita ng isa pang talento ng magaling sumayaw na kabataang aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with