^

PSN Showbiz

Angel hirap makahanap ng kapalit ni Luis

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang patuloy na pagsasalita ni Angel Locsin tungkol sa isyu ng paghihiwalay nila ni Luis Manzano ang pruweba na nahihirapan siya na maka-move on. Mahihirapan si Angel na makahanap ng karelasyon na kagaya ni Luis.

SCENE: Umaasa ang fans ni Angel Locsin na ito pa rin gaganap na Darna project ng Star Cinema dahil sa kanyang press release na gusto pa rin niya na siya ang gumanap sa iconic Pinoy superhero.

SEEN: Vice Ganda inspired ang current hairstyle ni Bimby Aquino. Hindi bagay kay Bimby ang bagong hairdo niya.

SCENE: Ipinamahagi ng pamilya ng namayapang direktor na si Francis Pasion ang mga personal na gamit nito sa mga kaibigan niya. Ang DJ at comedian na si Mr. Fu ang isa sa mga nabigyan ng mga gamit ni Pasion.

SEEN: Tahimik na ginagawa ni Cesar Montano ang historical movie na Sultan Qudarat. Si Qudarat ang Philippine hero at sultan na lumaban para hindi masakop ng mga Kastila ang Maguindanao.

SCENE: Dumarami ang mga showbiz personality na Kim ang pangalan kaya mahihirapan nang sumikat ang iba sa kanila. Naririyan sina Kim Atienza, Kim Chiu, Kim Rodriguez, Kim Domingo at Kim Last.

SEEN: Wala nang plano si Tacloban City Mayor Cristina Gonzales -Romualdez na maging active sa mga teleserye dahil priority niya ang kanyang constituents. Opisyal na nagsimula kahapon ang panunungkulan ni Romualdez bilang mayor ng Tacloban City.

SCENE: Babalik sa private business si former Tacloban City Mayor Alfred Romualdez pero magsisilbi pa rin siya na consultant ng kanyang asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with