^

PSN Showbiz

Ayaw magpaka-plastik Angel umaming ?hindi pa nakaka-move on kay Luis!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang linggo nang nauugnay sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. May bulung-bulungan na may espesyal na diumanong namamagitan sa dalawa. 

Nagbigay ng reaksyon ang dating kasintahan ng aktor na si Angel Locsin tungkol sa isyu. “Kung sila hindi nagsasalita o hindi umaamin, ako pa ba ang magko-comment? I always want him to be happy. Kung happy siya, magiging happy na lang ako para sa kanya,” nakangiting pahayag ni Angel. 

Aminado ang aktres na hindi pa rin siya talaga nakaka-move on hanggang ngayon mula sa naging relasyon nila ni Luis. “I’m getting there. Hindi ako magpapakaplastik, lahat naman ng mga babae may prosesong ginagawa. Parang last year at this year ay sobrang difficult para sa akin. Masaya lang at kaya ko pang ngumiti,” pagtatapat ni Angel. 

Samantala, napabalitang papalitan si Angel sa pelikulang Darna dahil sa kanyang health condition at magpapa-audition na sa ibang aktres para sa role ng Pinay heroine. Ilan sa mga pangalang lumutang na posibleng gumanap bilang Darna ay sina Jessy Mendiola, Nadine Lustre, Liza Soberano, Arci Muñoz at Anne Curtis. 

Ngayon ay nakahanda na raw ang dalaga na gawin ang Darna kung sakali mang ialok muli ito sa kanya. “Kung ibibigay sa akin, eh para sa akin. Kung hindi ako, eh baka hindi talaga para sa akin,” makahulugang pahayag ni Angel. 

Patuloy pa rin ang pagpapagaling ng aktres pagkatapos ng kanyang operasyon kamakailan. “Sobrang bored ako ngayon because I miss my old routine. Siguro dahil nasanay ako sa intense ay nami-miss ko lang gawin. Pero iyon ang goal ko talaga eh, ‘pag nagawa ko na siya ulit, ibig sabihin I’m okay na,” giit pa niya.

Kaya inaaral ang MMA? Anne ayaw magpa-double sa ?pelikula nila ni Brandon Vera

Pinaghahandaan na ni Anne Curtis ang pelikulang gagawin kung saan makakasama niya ang Filipino-Ame­rican Mixed Martial Arts star na si Brandon Vera. Ngayon ay puspusang martial arts training ang ginagawa ng aktres para sa bagong proyekto. “Excited ako kasi nga hindi ko pa siya ginagawa and it’s actually always been something that I’ve wanted to do. Game kaagad, ini-enjoy ko siya. I guess it helps that I’m also very active. Doing something na challenging excites me,” bungad ni Anne. 

Hanggang maaari ay ayaw magpa-double ng aktres sa lahat ng gagawing stunts para sa gagawing action film. “No to doubles. That’s why I’m really putting in so much effort. I told this to direk (Erik Matti) na kung pwede ako talaga. Seryoso talaga kaya inaaral ko as much as I can kahit pasa-pasa na ako, okay lang,” dagdag ni Anne. 

Napahanga naman daw si Brandon sa kakayahan ng aktres. Hindi raw inakala ng MMA star na kakayanin ni Anne ang lahat ng training na ginagawa nito. “I’m very interested in watching Anne train. Nakita ko ‘yung from first day to day six, ibang tao na talaga. Natututo siyang mahusay, maayos. I don’t know how to explain it in Tagalog but she’s a beast. If you’re lucky enough to watch Anne train, you can see how focused she is,” kuwento ni Brandon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with