Kris ‘all the way’ ang suporta kay Duterte
MANILA, Philippines – Buo ang suporta ni dating presidential sister Kris Aquino sa bagong Pangulo Rodrigo Duterte na nanumpa ngayong Huwebes sa Malacanan.
Sinabi ni Aquino na pareho ang kaniyang pagsuporta sa ika-16 na pangulo ng bansa at sa panibagong bise presidente Leni Robredo.
“All the way. All the way to 2022,” wika ni Kris sa ulat ng dzMM.
Inendorso ni Kris ang running mate ni Robredo at nakalaban ni Duterte na si dating Interior Secretary Mar Roxas.
Samantala, dumalo si Kris sa panunumpa ni Robredo bilang ika-14 na bise presindete ng Pilipinas sa Quezon City Reception Hall.
Kapatid ni Kris ang kabababa lamang sa pwestong si dating Pangulo Benigno Aquino III.
- Latest