^

PSN Showbiz

Mga nanood naloko part two ng umbagan nina Baron at Kiko ayaw nang patusin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Imbyerna ang mga nanood ng bakbakan nina Kiko Matos at Baron Geisler sa Valkyrie noong Sabado dahil draw ang unanimous decision ng mga hurado.

Ang ibig sabihin, walang nanalo kina Baron at Kiko dahil tabla ang laban nila.

Dalawang rounds lamang ang commitment nina Baron at Kiko sa organizers ng kanilang sagupaan kaya hindi pinagbigyan ang Round 3 na isinisigaw ng audience na feeling cheated at nagduda na gimik lamang ang mga trash talk ng dalawang aktor na pulang-pula ang mga mukha dahil inumbag nila ang isa’t-isa.

May suspetsa ang mga nanood ng laban nina Kiko at Baron na draw ang resulta dahil magkakaroon ng Part 2 ang bugbugan pero hindi na raw sila interesado. Enough na raw na nagpabola sila sa masahol pa sa mga bading na pagtatarayan nina Baron at Kiko noong ipino-promote ng dalawa ang bitin na laban.

Mark at Yasmien mutual ang feeling sa pagsasama

Mahaba ang exposure kahapon nina Yasmien Kurdi at Mark Herras sa Sunday Pinasaya dahil nag-promote sila ng kanilang bagong drama series sa GMA 7, ang Sa Piling Ni Nanay na mag-uumpisa ngayong hapon.

Actually, dalawa ang ipino-promote ni Mark, ang Sa Piling Ni Nanay at ang Conan, My Beautician na kahapon naman ang pilot telecast.

Parehong excited sina Mark at Yasmien sa pagsisimula ng mga show nila sa GMA 7 dahil sila ang mga bida.

Hoping ang dalawa na tatangkilikin ng televiewers ang Sa Piling Ni Nanay at Conan, My Beautician dahil kakaiba ang kuwento ng kanilang mga bagong programa sa Kapuso Network.

Paolo effortless ang ‘pagkopya’ kay KC!

Kalokalike ni KC Concepcion si Paolo Ballesteros sa picture nito.

Walang intensyon si Paolo na kopyahin ang face value ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Lalong hindi siya nagkaroon ng make up transformation para gayahin si KC.

Nagkataon lang na talagang carbon copy ni Paolo si KC sa litrato na kuha para sa Die Beautiful, ang pelikula na pagbibidahan niya.

Malapit nang magsimula ang shooting ng Die Beautiful kaya ito ang pinaghahandaan nang todo ni Paolo.

Sa true lang, long overdue na nga ang shooting ng launching movie ni Paolo na maglalagare sa dalawang pelikula dahil makakasabay ng shooting ng Die Beautiful ang filming ng Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend na tatampukan nila nina Anne Curtis at Dennis Trillo.

Kahit suspended pa rin siya sa Eat Bulaga, maraming pinagkakaabalahan si Paolo.

Bukod sa dalawang pelikula na gagawin, busy si Paolo sa pag-aasikaso sa bahay na ipatatayo niya sa Antipolo City.

Lumaki sa Baguio City si Paolo kaya napili nito na ipatayo sa Antipolo City ang kanyang dream house dahil mataas ang lugar at maraming puno sa lote na binili niya.

Gusto rin ni Paolo na sama-sama na sila ng kanyang pamilya sa bahay na ipinagagawa niya sa Antipolo City.

Showbiz personality gustong pabuntis kay Paolo!

May isang showbiz personality na type na type si Paolo Ballesteros at nag-iilusyon na magkaroon sila ng anak.

Hindi matutupad ang ambisyon ng showbiz personality dahil ang balita ko, tinanggihan ni Paolo ang offer niya na magpabuntis sa TV host/comedian.

Maraming babae ang  type na maging boyfriend si Paolo, kahit pinagdududahan ang kanyang pagka-mhin. Guwapo naman talaga kasi si Paolo kaya pinag-iilusyunan siya ng girls and gays.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with