^

PSN Showbiz

Juday ayaw magmukhang mascot ni Piolo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bagay na bagay kay Judy Ann Santos ang 2016 Cinemalaya entry niyang Kusina (Her Kit­chen) dahil alam ng marami na mahilig magluto ang aktres at nag-aral pa nga ng culinary arts. Naiinggit nga kay Ryan Agoncillo ang mga Dabar­kads ng Eat Bulaga ‘pag may baon siyang pagkain na inihanda ni Judy Ann.

Pati ang baon na inihahanda niya para kina Yohan at Lucho, ginagawa ng followers niya sa social media dahil kakaiba at healthy. Patunay na kinilala ang husay sa pagluluto ng aktres nang manalo ng third best in the world sa Gourmand Awards ang cook book niyang Judy Ann’s Kitchen.

“Gulat na gulat ako roon. Nakakatuwa Nagtanong ako kung totoo ba ‘yun. Eh, totoo,” masayang reaction ni Judy Ann sa kakaibang award na napanalunan.

First time rin niyang gaganap sa karakter na may kalaguyo sa katauhan ni Luis Alandy. Tingnan natin ang magiging pagtanggap ng kanyang fans sa kakaibang role ni Juday.

Nagpasalamat si Judy Ann sa buong team ng movie at kina directors Cenon Palomares at David Corpuz na nag-adjust sa schedule niya.

Ayaw naman isipin ni Judy Ann na sa awards night ng Cinemalaya ay makalaban niya si Nora Aunor na may entry din. Masaya na raw siya sa thought na kahilera niya ang magagaling na artista. Bonus na sa kanya ang manalo at reward sa kanya na naitawid ang karakter ni Juanita.

Hindi pa alam ni Judy Ann ang next project na kanyang gagawin. Ang teleserye niya sana sa ABS-CBN ay feeling nito ay nabantilawan na ang concept. Kung itutuloy pa rin kawawa raw si Richard Yap at baka hindi makatulong dito. Deserve raw ni Richard ng better project para mas ma-push pa ang pagiging actor nito.

Sa nasulat naman na movie nila ni Piolo Pascual, nagulat si Judy Ann dahil walang formal offer na nakarating sa kanya. Hindi niya alam kung saan galing ang balitang gagawa sila ng pelikula.

“Five years ago pa ako kinausap ng Star Cinema tungkol diyan kung puwede kaming mag-work ni Piolo. Walang nagtanong uli kung puwede kaming magsama sa pelikula, kaya nagulat ako sa balita. Given the right project and the right time, bakit hindi? Basta nasa maayos ang imahe ko dahil baka kung ngayon kami gumawa ng pelikula, maging mascot ako ni Piolo. Kailangan kong magpapayat at hindi ko pa magawa ngayon dahil nga sa CS operation ko,” pahayag ni Judy Ann.

Megan kabadong magpatawa

Sasabak sa comedy si Megan Young sa Conan, My Beautician, kabado ito ng kaunti, pero dahil sa mahuhusay na komedyante na kasama niya at magaling na production staff, kampante siyang maitatawid ang karakter ni Ava, ang babaeng kaiinlaban ni Conan.

Magsisimula mamayang 5:00 p.m., ang Conan, My Beautician at isa sa mga eksenang pinaaabangan ni director Adolf Alix, Jr., ay ang eksenang mine-makeyk-apan ni Conan si Ava dahil ang husay daw ng dalawa.

Naidirek ni Adolf si Megan sa isang episode ng Dangwa at isa ang episode na ‘yun sa highest rating nila.

Bernard gustong magpaliwanag sa anak nila ni Jerika

Kung ibabatay sa post ni Bernard Palanca sa social media, hindi na niya nakikita ang anak nila ni Jerika Ejercito. Sa latest post nito na may collage ng picture ng anak nilang lalaki ni Jerika, emotional si Bernard.

“My son, im truly very sorry for not taking better care of your mother and our relationship. Im sorry I couldn’t keep us together. I want you to know that despite what happened you still are and always will be my number one. Both you and your brother are my life and always will be my source of strength no matter what happens. One day ill be able to explain everything to you in a way that you can understand how life is and works. I love you with everything that i am and please don’t ever forget that im just here and will always jus be here ok? Papa loves you very much, and misses you so much more. Ill see you soon buddy...”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with