^

PSN Showbiz

James at Nadine walang kapaguran!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang Team Real ang dapat itawag sa real-life loveteam nina James Reid at Nadine Lustre dahil Team Busy din sila.

Hindi pa nakakapagpahinga ang dalawa mula sa isang buwan na concert tour nila sa U.S. at Canada, nagbabu uli sila kahapon sa Pilipinas dahil may show sila ngayon sa Singapore.

Bumalik ng Pilipinas ang JaDine noong June 16 pero araw-araw ang mga commitment at appointments nila, may book launch, book signing, presscon, teaser shoot para sa bagong teleserye nila at MTV event noong Biyernes ng gabi. Hindi naman nagrereklamo sina James at Nadine dahil gustong-gusto nila ang kanilang mga ginagawa. Mabuti nang maging busy kesa nakatunganga sila dahil sa kawalan ng projects.

Libro ng JaDine maraming nanghaharbat

May mga nanghihingi sa akin ng Team Real book ng JaDine dahil ito raw ang kanilang favorite loveteam.

Daaay, kung talagang hibang kayo sa JaDine, try n’yo kaya na gumastos dahil murang-mura ang selling price ng libro na P295.

Mamuhunan kayo para maging believable na paborito at sinusuportahan n’yo ang JaDine! Hindi ‘yung puro panghaharbat ang inaatupag n’yo!

Mark parang si Jaclyn, iniiba ang sarili

Ngayong hapon ang premiere telecast ng Conan, My Beautician, ang sitcom nina Mark Herras at Megan Young.

Panonoorin ko ang Conan, My Beautician bilang suporta kay Mark at para may masabi ako sa kanya kapag nagkausap kami.

Bida na uli si Mark sa mga show ng GMA 7 dahil marunong siya na mag-reinvent sa sarili. Binabago ni Mark ang kanyang hairstyle at acting, depende sa role na gagampanan niya, mapabida man o kontrabida.

Parang si Jaclyn Jose si Mark na hindi afraid na mag-experiment para hindi sila kasawaan ng televiewers. Importante ang reinvention sa mga artista dahil nasusubok ang kanilang versatility.

Para sa proteksyon, IG ni Scarlet Snow naka-private na

Private at hindi na public ang Instagram account ni Scarlet Snow Belo.

Mutual decision nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. na gawin na private ang Instagram account ni Scarlet bilang proteksyon sa bagets na instant celebrity nang ipakilala sa publiko.

Humingi muna ng paumanhin si Hayden bago nito inilagay sa private mode ang Instagram account ng unica hija nila ni Mama Vicki.

“We’re going to put Scarlet’s IG account on private at 10 pm. Private doesn’t mean her IG followers won’t be able to see her photos and videos anymore. It only means people will have to request permission to follow her. Thank you for understanding,” ang explanation ng proud daddy ni Scarlet.

Mga nakarelasyong actor wala na ring amor, aktres na feeling beautifuland intelligent, nganga na

Wala nang regular show sa telebisyon ang aktres na feelingera kaya hindi siya type ng mga nakakatrabaho niya.

Feelingera ang tawag sa aktres dahil feeling so beautiful at feeling so intelligent siya.

Dahil sa ugali ng aktres, iniiwanan din siya ng mga nakarelasyon niya, dalawang sikat na aktor at isang non-showbiz guy na U.S.-based.

Nang magreklamo ang aktres na hindi naging maganda ang naging karanasan niya sa ex-boyfriend na award-winning actor, walang kumampi sa kanya dahil knows ng mga tao na maldita at feelingera siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with