^

PSN Showbiz

Mga sikat na singer hindi matanggap ’pag natatalo sa PhilPop

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ipinakilala na kahapon ang interpreters ng labindalawang finalists sa PhilPop 2016 na maglalaban na sa July 23 sa Kia Theater.

Walang gaanong big names sa interpreters hindi kagaya noong nakara­ang taon na nagkalaban pa sina James Reid at Nadine Lustre.

Pero sabi ng PhilPop head na si Prof. Ryan Ca­yabyab, excited siya sa line-up ngayong taon dahil may mga bagong kanta na napapanahon.

Minsan daw kasi ay medyo nag-aalangan ang big stars na mag-interpret ng kantang panlaban dahil parang hindi nila matanggap na natalo sila ng baguhan o ‘di sikat.

Pero maganda raw ang PhilPop ngayong taon dahil ang ibang entries ay mismong composers ang mag-i-interpret at feeling nila ay mas mabibigyan nila ng justice ang kanta. Pero venue rin daw ito ng mga bagong singers na magagaling.

PAK: Hindi lang mga sexy Kapuso babes kagaya ni Solenn Heussaff ang magagamit sa bagong sitcom ng GMA 7 na A1 Ko Sa ‘Yo, kundi mga Kapuso hunks din kagaya ni Benjamin Alves. Okay lang kay Benjamin na may pagka-sexy siya rito, ka­ya kailangang maintained daw ang magandang katawan niya.

Hindi na rin tuloy maiwasang mapag-usapan ang dating kumalat na video na nasilipan siya. Pero ayaw nang kalkalin pa ‘yun ni Benjamin.

Aniya; “Wala po yan. Wala na po ‘yan. Huwag na natin pag-usapan ‘yan. Halos lahat naman yata pinagdadaanan na lang ‘yun. Tagal na po ‘yan. I never talked about it.”

BOOM: Tumanggi na si Keanna Reeves na magpa-interview kaugnay sa away nila ng dating Kapuso actor na si Prince Stefan.

Pinayuhan daw siya ng lawyer niyang huwag nang magsalita dahil nagsampa na pala sila ng reklamo laban kay Prince.

Ayon sa ilang taong malapit kay Keanna, may laban daw sila sa rekla­mong ito dahil kaharap daw siya mismo nang sinabi ni Prince na “pokpok” siya.                        

Hindi pa niya masabi kung ano’ng kasong isi­nampa dahil nasa abugado na niya ito. Paninirang-puri raw ang ginawa sa kanya ni Prince kaya gusto niya itong kasuhan.

Ayon sa ilang source namin, gusto na raw ni Prince na makipag-ayos kay Keanna pero tumanggi ang sexy comedienne. Sinimulan naman daw ni Prince ang gulong ito, kaya siya rin ang tatapos.

Sabi naman ni Keanna sa Facebook post niya para kay Prince; “Yang ginawa mo, sinabi mo sa pagmumukha ko, kaya hindi ko matanggap. Kaya panindigan mo yan lahat na sinabi mo sa akin. Hindi kita uurungan. Simula pa lang ‘to.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with