^

PSN Showbiz

Wheels, umarangkada sa Giro d’Luca 2016

Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa huling episode ng ikatlong season ng Wheels, susubok ang motoring team ng The Philippine STAR ng mga bagong set ng sasakyan para sa pagtatapos ng summer. Sama­han ang mga hosts na sina Matteo Guidicelli, Kap Maceda-Aguila, Angel Rivero at Ulysses Ang para sa pangwakas ng patatanghal ng kanilang ikatlong season!

Sa unang segment, lilipad si Matteo sa Bohol dala ang kanyang bisikleta para sa ikaapat na Giro d’Luca, isang non-competitive na bicycle event na si­nimulan ng kanyang ama na si Gianluca Guidicelli. Mamamangha ka sa mga magagandang tanawin ng Bohol na daraanan ni Matteo at ng mga siklista ng Giro d’Luca sa loob ng tatlong araw. Makikita niyo rin kung paano sinusuportahan ng Ford Philippines ang Giro d’Luca at ang Ford Forza triathlon team para sa kanilang pagsasanay.

Samantala, minaneho naman ni Uly ang crossover na sakto sa panlasa ng mga millennials, ang Chevrolet Trax.

Alamin kung bakit ang maliksi at maluwag na compact SUV na ito ay nababagay para sa pang-araw-araw na transportasyon ng mga millennials na taga-lungsod.

Nagbabalik si Kap sa kanyang pagmamaneho kasama ang mga kilalang personalidad. Sa episode na ito, isinakay niya ang UP Volleyball team sa bagong Honda Pilot. Sadyang napakaluwag at napaka-komportable ng sasakyang ito kahit pa lulan ang isang buong volleyball team. Alamin rin ang buhay sa likod ng volleyball ng mga atletang ito.

Hindi rin nagpahuli si Angel, na sumakay sa bagong Honda Legend upang maranasan ang marangyang pagmamaneho, Japanese-style! Inalam niya ang iba’t ibang high-end features ng naturang mid-sized luxury sedan; mga features na tiyak na magugustuhan ng mga corporate executives at socialites.

Lahat ng ito ay tampok sa huling episode ng ikatlong season ng Wheels, ang inyong gabay sa buhay sa daan. Panoorin ang ikatlong season ng Wheels tuwing Huwebes, 10:30 n.g., sa ABS-CBN Sports + Action Channel. Sundan rin ito sa Facebook, i-like lamang ang facebook.com/PhilStarWheels.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with