^

PSN Showbiz

Balang, tampok sa Tunay na Buhay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Miyerkules (May 25), kikilalanin pang lalo ng Tunay na Buhay ang cute at bibong child celebrity na si Balang.

Mula nang i-upload ang kanyang nakatutuwang dancing videos sa internet, naging instant celebrity na si John Philip Bughaw o mas kilala bilang si Balang hindi lang sa Pilipinas, kundi ma­ging sa ibang bansa.

Ang pitong-taong gulang na batang taga-Ca­vite ay ilang beses nang lumabas sa iba’t ibang programa sa telebisyon at tatlong beses na ring na­ging guest sa sikat na The Ellen DeGeneres Show sa U.S.  Sa ngayon, bahagi na rin siya ng pinakabagong show ng Kapuso network na Magkaibang Mundo.

Samahan ang guest host na si Susan Enri­quez ngayong Miyerkules at makiindak sa makulay na kuwento ni Balang sa Tunay na Buhay, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with