^

PSN Showbiz

MTRCB dumistansiya sa panggagamit ng mga bata sa anti-political ad!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Damay ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga binabakbakan ng taumbayan dahil sa mga bata na ginamit sa television ad na bumabatikos sa presidentiable na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sinisisi ang MTRCB dahil pinayagan nito na umere ang television ad kaya naglabas ng statement ang naturang government agency.

“MTRCB informs the general public that it is the COMELEC w/c has sole jurisdiction to regulate political TV ads under the Fair Elections Act.”

Nagbayad ng 20 million sa ad,mas nakatulong sa sinisiraang kandidato

Nag-boomerang sa nagbayad o sponsor ng television advertisement ang kanyang ginawa dahil siya ang dinudurog ng mga tao at lalong pinag-usapan ang kandidato na pinupuntirya ng patalastas na diumano’y worth P20 million.

Kung hindi siguro mga bagets ang ginamit,  hindi naging bayolente ang reaksyon ng publiko  at hindi sana umingay nang husto ang name ni Duterte.

Lahat media na!

Tama ang sinabi ni Senator Chiz Escudero tungkol sa social media.

Lahat ng tao ay media sa social media dahil may opinyon ang lahat. Kahit sino na lang, biglang naging mga reporter kesehodang mali ang kanilang mga sinasabi at punumpuno sila ng bitterness.

Marami sa mga kakilala ko ang gustong-gusto nang matapos ang eleksyon na mangyayari sa May 9 dahil sukang-suka na sila sa mga nababasa nila na siraan sa social media.

Kita n’yo naman, hindi na active si Sharon Cuneta sa social media.

Naranasan ni Sharon na bastusin ng mga tao na hindi niya kilala dahil pumalag siya sa mga paninira sa kanya pero sumuko rin ang Megastar. Useless na makipagtalo siya sa mga sarado at makikitid ang isip.

Magastos at stressful na kampanya hanggang ngayon na lang 

Ngayon ang huling araw ng pangangampanya ng mga kandidato dahil rest day nila bukas at sa Lunes na ang eleksyon.

Pare-pareho ang sinasabi ng mga kandidato na nakausap ko, win or lose, isang bagay ang siguradong gagawin nila pagkatapos ng eleksyon, matutulog at magpapahinga sila.

Stressful at magastos ang tatlong buwan na pangangampanya.

Pinakamahaba na ang tatlong oras na tulog para sa mga presidentiable, vice presidentiable at senatoriables na obligadong mag-ikot sa buong Pilipinas.

Hindi na mababago ang desisyon ni Papa Chiz na maghapon siya na matutulog sa Sorsogon, isang araw pagkatapos ng eleksyon.

I’m sure, ganoon din ang gagawin ng ibang mga kandidato na pagod na pagod na sa ilang buwan na pangangampanya.

“Beautification project” naman ang aatupagin ng mga female candidate, talunan man o hindi.

Nagpa-schedule na sila ng mga facial, massage at body skin peeling. ‘Yung iba naman, ready nang magpaturok sa mukha ng  botox at collagen  dahil nalusaw sa mainit na sikat ng araw.

Aminin man o hindi ng mga kandidato, nangarag, tumanda at naging chaka  ang kanilang mga itsura dahil sa pagod at stress na epekto ng  pangangampanya.

Nawala rin sa porma ang kanilang mga katawan na nagsipagtabaan dahil hindi nila natanggihan ang mga offer na kumain sa mga barangay na pinuntahan or else, iisipin ng mga botante na isnabero sila.

Labag man sa kalooban, napilitan ang mga kandidato na lumapang dahil baka mawalan sila ng mga boto.

Hindi madali ang kumandidato dahil puwersado sila na magpaka-plastik, alang-alang sa  mga boto na kanilang pinakamimithi.

Lalakas na naman ang benta ng mga whitening soap, lotions at magiging in demand ang pagpapaturok ng glutathione kaya fully booked sa mga susunod na araw  ang Flawless at Belo Medical Clinic.

This Time tuloy ang pilahan

Sulit naman pala lahat ng hirap, puyat at pagod ng buong cast at production team ng pinipilahang summer movie ng taon, ang This Time ng Viva Films, na pinagbibidahan ng pinakamainit na reel/real loveteam ng bansa, James Reid at Nadine Lustre.

Bukambibig ngayon ang pelikula hindi lang sa mga umpukan kundi maging sa social media dahil sa husay ng JaDine at ng mga artistang kasama nila, sa pangunguna nina Freddie Webb, Nova Villa, Candy Pangilinan, Al Tantay, Ronnie Lazaro, Bret Jackson, atbp.

Two thumbs up ang lahat sa mahusay na direksyon ni Nuel Naval at sa makatotohanan at napakaromantikong screenplay ng award-winning na si Mel del Rosario.

Maging ang mga miyembro ng Cinema  Evaluation Board (CEB) pala na nagbigay ng gradong “A” sa pelikula, tinawag ang This Time na “undeniable gem.”

Walang hindi kinilig at na-in love habang pinanonood ang mga karakter nina James (bilang Coby) at Nadine (bilang Ava), ang magkababatang pilit na pinag­lalayo ng panahon pero pinagbuklod naman ng matibay at mapagtitiwalaang pagmamahal para sa isa’t isa.

Tamang-tama raw sa panlasa, hindi lang ng mga bagets na JaDine fans, kundi maging ng buong pamilya, ang timpla ng This Time.      

Kwela rin ang pagganap bilang bading ng character actor na si Ronnie Lazaro, ang may-ari ng tindahan kung saan unang nagkakilala sina Coby at Ava. 

May sariling moment ang love story nila ng naglahong boyfriend niya sa movie na ginampanan (in a cameo role) ng multi-awarded ding si Michael de Mesa.

Ayon sa mga nakapanood na ng pelikula, napakaraming memorable at kilig scenes sa This Time, kabilang dito ang mga eksenang kinunan sa Saga, Japan. Sobrang ganda ng lugar na ayon nga kay James ay bihirang mabisita ng mga Pinoy. Wini-wish ko tuloy ngayon na mapuntahan ang Saga.

No wonder, patuloy itong pinipilahan sa mga sinehan nationwide at binigyan ito ng “G” o general audience classification ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Super wholesome, very light at talagang makaka-relate nga ang buong pamilya sa balik-tambalang ito nina James at Nadine matapos ang highly successful TV series na On the Wings of Love sa ABS-CBN.

Palabas pa ang This Time sa mga sinehan nationwide mula lamang sa Viva Films.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with