^

PSN Showbiz

Coco dismayado sa giyera sa social media!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkadismaya si Coco Martin sa nangyayaring ba­nga­yan ng mga magkakaibigan sa social media dahil sa kanya-kanyang manok sa eleksyon.

 “Ilang araw na lang po darating na ang eleksyon. Sa totoo lang po, sa mga oras na ito sobra po akong nalu­lungkot sa mga nangyayari sa atin, lalong-lalo na po sa Pilipinas,” sabi ni Coco sa isang speech sa mini-rally ni Sen. Grace Poe sa Pandi, Bulacan kahapon.

“Kasi po ang inaasahan ko sana ngayong darating na eleksyon, lahat tayo magtutulong-tulong, magsasama-sama para sa pagbabago at para sa kabutihan ng ating bansa,” dagdag pa ng bida ng No. 1 show sa primetime na Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Masakit daw kay Coco na makita ang mga kababayan na nag-aaway sa social media dahil iisa lang naman ang hangad ng mga Pilipino at ito ay ang pag-unlad ng Pilipinas.

 “Ang masakit lang po sa nangyayari ngayon, kapag binuksan po natin ang ating social media—ang ating Facebook, ang Instagram—at sa kahit ano pang mga balita sa newspaper at sa TV, bakit ganoon? Bakit tayo-tayo ang mag-aaway-away? Bakit tayo-tayo ang magsisiraan?” tanong ni Coco sa mga kababayan na dumalo sa rally.

Anang Idol ng Masa, sa halip na mag-away-away ay suriin na lamang ng mga Pilipino kung sino ang karapat-dapat maging susunod na pangulo.

Para kay Coco, na kay Senator Grace ang mga katangiang hinahanap niya.

Ito ay ang “dunong sa pamamahala; persona­li­dad para humarap sa mga lider ng ibang bansa; tapang para labanan ang korapsyon; may paninindigan sa mga binibitawang salita; buo ang pamilya; bagong pulitiko,” paulit-ulit na banggit ni Coco nang muli niyang samahan si Sen. Grace sa pangangampanya sa Bulacan.

In fairness, hindi nabawasan ang suporta ng aktor kay Grace kahit ayaw itong tantanan ng mga batikos at bumaba pa sa survey.

Kung sabagay hindi lang naman si Coco ang dismayado sa giyera ng supporters ng mga kumakandidato sa social media. Kahit ordinaryong tulad ko ay nagdarasal na matapos na ang eleksiyon para bumalik na sa normal ang buhay ng lahat.

Nat’l Artist Bencab pumiyok na sa iboboto

Hindi naman nakapagtataka ang pagsuporta ng National Artist na si Benedicto “BenCab” Reyes Cabrera kay Sen. Grace dahil tanging ang anak lang ni “Da King” Fernando Poe Jr. ang kandidatong may plataporma para sa larangan ng sining at kultura sa bansa.

Very open si BenCab sa suporta kay Grace at ilang beses na siyang nakuhanan ng litrato na may suot na sumbrerong Grace Poe at eco bag na may nakasulat na Keep Calm and Carry Poe.

 Si BenCab na isang tanyag na pintor ay nai­deklarang National Artist of the Philippines for Visual Arts (Painting) noong 2006.

Siya ang kinokonsiderang pinakamabentang pintor sa kanyang henerasyon.

Ilan sa mga narinig kong plataporma ni Grace para sa kultura at sining sa cultural heritage conser­vation, pagtataas ng budget para sa National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA), pagpapalawig ng Copyright protection ng mga ala­gad ng sining, at ang restoration ng mga pelikulang ikinukonsiderang pamana ng lahi.

Laban ng aktres, kritikal

Totoo kayang crucial ang laban ng isang actress sa Lunes, May 9?

Malakas daw ang kalaban nito dahil sa mga proyektong naipagawa sa kanyang nasasakupan.

Kaya all out daw ang suporta ng mga kaibigan ng actress para makatulong sa kanilang kasamahan sa industriya.

Kahit Corny, jokes ni Tom bentang-benta kay Carla

Masaya raw ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez kapag kasama niya sa trabaho ang kanyang rumored girlfriend na si Carla Abellana. Napakagaan daw kasing ka-trabaho ng aktres at tila naging number one fan na siya ng mga jokes ni Tom. Kwento pa ng aktor, “Nag-e-enjoy ako lagi katrabaho siya kasi iba ‘yung pakiramdam na nagju-joke ako kahit wala akong tulog tapos may nag-e-entertain sa mga corny jokes ko, tinatawanan at pinagbibigyan.”?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with