^

PSN Showbiz

Nasasayang tuloy, Jennylyn at John Lloyd parang hinihila sa mga interview!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa sobrang pangangarap para lamang mai-guest si Jennylyn Mercado sa mga programa ng ABS-CBN, wala na tuloy substance ang mga interview sa kanya. Kung ano na lang ang masabi, at basta may masabi lang. Ganun din naman si John Lloyd Cruz na parang hinahatak at minamadali. Sayang tuloy ‘yung moments nila together. Si Lloydie ay may gustong sabihin sa Tonight with Boy Abunda na hindi niya nagawa. Hindi tuloy nalaman ng manonood kung malalim siyang artista at tao. Bakit ito hinayaan ng isang mahusay na host?

Pera, ugat ng problema sa eleksyon

Hindi man corrupt ang mga tumatakbong pulitiko sa halalan ngayon, walang isa man sa kanila ang makatatanggi sa napakaraming pera na inilalatag sa kanilang harapan ngayon. Kahit pa sabihin mong patapos na ang kampaya, wala ni isa man sa kanila ang titingin sa kabila kapag meron nang sangkot na bilyong pisong halaga na hindi man nila hinihingi ay kusang dumarating.

Kaya nga mayroong biglang paglobo ng bank accounts. Meron ding magkakaibigan na biglang nagkakasukatan ng lakas dahil biglang havey si partner, pero hindi binahaginan ang kakampi. Samantalang hayun ang isa pang presidentiable na hanggang ngayon ay pinagdurusahan pa rin ang bintang na ikinabit sa kanyang pagkatao. Tsk. Tsk. Tsk.

Magmula pa noon magpahanggang ngayon ay pagkagahaman ng ating mga kababayan ang umiiral hatid ng kahirapan.

Mas kapani-paniwala na umangat man ang estado ng marami nating kaparehong Pilipino, ang korapsyon ay hindi na mawawala. Nakabaon na ito sa ating mga bala. Ibaon man natin ito nang pagka-lalim-lalim, aangat at aangat ito.

Pero talagang dapat may magsakripisyo para mawala ito, pero sino? Ikaw? Ako? Siya?

This Time pinakamaganda sa lahat ng pelikula ng JaDine

Hindi naman dapat mag-worry ang This Time na ginawa ng Viva para sa tambalang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre. GP ito at graded A ng CEB. Ibig sabihin nito, maganda ang movie! Malaki ang dapat asahan sa pelikulang ito.

Para sa isang loveteam movie ay pambihira ito, pero hindi naman patapon ang mga unang movie na pinagsamahan ng dalawa (Diary Ng Panget, Talk Back and You’re Dead, at Para sa Hopeless Romantic). Kaya nga ang daming na-sked na block screening para sa movie na ipinadirek sa isang kilalang pangalan sa TV at kinunan pa ang maraming eksena sa bansang Hapon.

Isko dedma sa mga picture na may bimpo!

Natatawa na lamang si Isko Domagoso Moreno na kung kailan siya tumatakbo para sa Senado ay saka pa naglalabasan ang mga larawan niyang kuha sa kanyang mga lumang pelikula o palabas sa TV. Wala namang ipinamamalas ang mga larawan kundi ang pangyayaring kasama siya sa kakaunting artistang lalaki na biniyayaan ng magandang pangangatawan na nu’ng panahon niya ay kinakailangan pang gamitan ng bimpo o hand towel para maipakita ang kalakihan.

Ang vice mayor ng Maynila ay wala ring ganun kalaking campaign budget kaya ngayong mag-eeleksyon lamang lumalabas ang mga campaign propaganda niya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with