^

PSN Showbiz

Heart nailang sa mga ginawa nila ni Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kita sa suot na damit ni Heart Evangelista sa presscon ng Juan Happy Love Story na hindi na pantay ang kanyang kulay dahil sa sunud-sunod na kampanya. Ipinakita rin nito ang itaas ng kanyang tuhod na tila nag-iba na rin ang skin tone. Pero walang problema si Heart dahil nag-i-enjoy siya sa pagsama sa mister na si Sen. Chiz Escudero sa pag-iikot sa buong bansa.

Kahit daw pagod siya, wala siyang reklamo dahil marami siyang nakikilalang mga tao at nakakapunta siya sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan. Isa pa sa mga nagustuhan ni Heart sa pagsama sa kampanya ay unti-unti niyang nao-overcome ang takot sa pagsakay sa eroplano.

Anyway, ang ganda-ganda ni Heart sa presscon ng hot and sexy series na Juan Happy Love Story airing on May 16, after Once Again. Suot ang white dress na gawa ng isa sa paborito niyang designer na si Mark Bumgarner, sabi nito, “White has always been my color.”

Kakaibang Heart ang mapapanood sa Juan Happy Love Story dahil may kissing scene, bed scene at may eksena pang naka-bathrobe lang siyang humarap kay Dennis Trillo.

Inamin ni Heart na sobra siyang nailang lalo na’t sobrang relax lang si Dennis. Pero naisip niyang ka­ilangan niyang mag-enjoy habang bata pa siya. “After this, hindi ko alam kung ano ang next kong gagawin,” sabi ni Heart.

Alden at Maine lalarga na sa Italy para sa launching movie

Sa third week ng May na pala ang alis nina Alden Richards at Maine Mendoza for Italy para sa shooting ng launching movie nila. Kasama nilang aalis ang isang maganda at mahusay na aktres na hindi naman daw third wheel. Hindi rin naman binanggit sa amin ang magiging role ng aktres.

Magbibigay sana kami ng clue sa identity ng aktres na makakasama nina Alden at Maine sa kanilang pelikula, pero ‘wag na lang dahil magaling mag-“SOCO” ang AlDub Nation at mahuhulaan nila kung sino ito. Bawal pa kasi itong sabihin.

Samantala, mirage car ng Mitsubishi ang bagong ini-endorse nina Alden at Maine.

Betong inirereklamo na ang kabi-kabilang show

Nakakasa na pala ang bagong show na ipapalit sa CelebriTV ng GMA 7. Ang sabi, game show ito na hindi naiba sa concept ngayon ng CelebriTV. Pero kung totoong may “Laff” sa title ng show, ibig sabihin ay may kasamang katatawanan ito.

Sa May 28, ang target pilot ng bagong game show nina Betong at Sheena na for sure ay parehong masaya.

Masuwerte si Sheena dahil may Poor Señorita pa. Si Betong naman ay regular sa Bubble Gang, guest ngayon sa Because Of You at guest sa maraming shows ng network.

May nabasa tuloy kaming tila nagrereklamo dahil bakit puro na lang daw si Betong ang kanilang napapanood. Paano na raw ang ibang comedians ng istasyon?

HAPPinas sa gabi na mapapanood

Pati si Ogie Alcasid ay nakakatikim ng pamba-bash dahil sa pagsuporta kay Sen. Grace Poe. Pinost ni Ogie sa Instagram (IG) ang picture nila ni Sen. Grace. Walang caption ang picture, pero bumawi si Ogie sa hashtag. Ang ginamit nitong hashtags ay #Gobyernonamaypuso #gracepoe2016 #gracepoeforpresident 2016.

May nabasa pala kami sa IG ni Ogie na pinu-promote ang HAPPinas Happy Hour ng TV5 na mapapanood daw sa May 6, 9 p.m. Ito na yata ang ipinalit sa Happy Truck Happinas na tigil na ang ai­ring.

Kung Friday ito at 9 p.m. ang time slot, makakatapat ito ng Bubble Gang ng GMA 7 na pinanggali­ngan ni Ogie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with