^

PSN Showbiz

Pati mga produ na nagbabayad ng TF nabiktima ng kamalditahan, young actress madamot sa picture

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng minsang imbitahan para sa isang show sa bandang Norte ang isang pamosong young actress ay nag-iwan siya du’n ng isang hindi kagandahang imahe. Nalungkot ang mga taong nag-imbita sa batang aktres.

Napakalaki ng kanyang talent fee pero sinikap ng pamunuan na makuha siya para maging masaya ang kanilang mga kababayan. Siya kasi ang request ng mga kabataan, kaya kahit sobrang taas ng kanyang TF para sa show, go na rin ang grupo.

Pagkatapos ng show ay inabisuhan ng komite ang handler ng young actress na may ipinahandang lunch kinabukasan ang mga prodyuser para sa kanya. Oo raw, sasabihin daw nito sa young actress ang plano, darating daw sila.

Masaya siyempre ang pamunuan ng nagdala sa young actress sa kanilang bayan, bonggang-bongga ang mga pagkaing ihinanda ng grupo, puro seafoods na sariwang-sariwa.

Kuwento ng aming source, “Malapit na ang pananghalian, nakahanda na ang lahat-lahat, ang girl na lang ang hinihintay para makakain na silang lahat. Sabi ng handler, e, darating daw siya, pero sa isang kundisyon.

“Darating daw siya sa lunch invitation, pero walang picture taking. Ayaw raw ng girl na magpa-picture kahit kanino. E, sinu-sino lang ba naman ang mga nandu’n, ang mga nag-invite lang naman sa kanya na nagbayad ng talent fee niyang pagkalaki-laki?

“Sana, hindi siya ganu’n, nakakahiya ‘yun sa mga tao pa namang nagkakagusto sa kanya. Picture lang ba naman, ipagdadamot pa niya? Hindi maganda ang ganu’n.

“Tapos, ang mga press release tungkol sa kanya, e, iba. Ang bait-bait daw niya, very approachable daw siya, magandang example daw siya sa mga kabataan ngayon.

“Ganu’n ba ang mabait at magandang role model para sa mga kabataan? Picture taking lang, ipinagdadamot pa niya? ‘Di ba, kamalditahan ‘yun, saka kaartehan?” tanong-opinyon ng aming impormante.

Ubos!

Julie Anne kontrolado ang sarili sa paninira ng fans ni Alden?!

Asia’s Pop Sweetheart pala ang titulong hawak ng pambatong young actress ng GMA 7 na si Julie Anne San Jose. Malapit na ang kanyang solo concert, sa May 14 na, sa KIA Theater. In Control ang titulo ng kanyang concert, bagay na bagay sa pinaiiral niyang pagtanggap ngayon sa mga walang magawang bashers niya, kontrolado ng dalaga ang kanyang emosyon.

Sa sampung taon na niya sa showbiz ay natutuhan na niyang tanggapin at balansehin ang kanyang buhay at career. Alam ni Julie Anne na hindi lahat ay magiging masaya sa kanyang tagumpay, siguradong may mga magkokontrabida, alam at tanggap niya ‘yun.

Nililigalig ngayon si Julie Anne ng mga taong nag-aalala na baka makuha niya nang isandaang porsiyento ang atensiyon ng Pambansang Bae na si Alden Richards. Kung anu-anong masasakit na salita at pintas ang ibinabato ng mga ito laban sa kanya.

Pero dahil in control na nga ang magandang young singer-actress sa kanyang damdamin ay hindi niya pinababayaang makaapekto sa kanyang buhay at career ang mga ganu’ng pangyayari.

Kung minsan nga naman ay may mga grupong hindi nakakaunawa sa salitang pagkakaibigan at magandang samahan. Bago pa nginitian ng kapalaran si Alden ay magkaibigan na sila ni Julie Anne, hanggang ngayon ay inaalagaan nila ang friendship na nabuo nila, pero ayaw pa ring tantanan ng mga walang magawa si Julie Anne.

Inggit at insecurity lang ang nakikitang dahilan ng mga nakapalibot sa young singer-actress kung bakit siya dumadaan ngayon sa mga walang basehang akusasyon.

May iba pa ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with