^

PSN Showbiz

K Brosas at Boy Abunda, naging maayos ang hiwalayan

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Si K Brosas sa isang restaurant sa Robinson Magnolia Mall noong isang araw.

Kasama ni K ang kanyang anak na babae na mukhang artistahin.

Napagkuwetuhan namin ni K ang tungkol sa pagiging judge niya sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime.

Natanong ko rin si K kung sino na ang manager niya at naikuwentong ang Corner Stone na ni Erik Raymundo na manager din nina Sam Milby, Erik Santos at iba pa ang huma­hawak ng kanyang career.

Napakatagal ding naging bahagi ng Backroom, Inc. si K, pero hindi naman daw siya basta lumipat ng management team. Nag-usap daw sila ni Kuya Boy Abunda at naging maayos ang paghihiwalay nila.

Okay rin daw sila ng dating manager at may ibang mga plano naman si Kuya Boy.

Hindi raw makakalimutan ni K ang mga nagawa ng pamosong TV host/talent manager para sa kanyang career.

Zion namanghasa Jurassic

Ang 3rd birthday party kahapon ni Zion sa Turf Room ng Manila Polo Club.

Sabay-sabay na dumating sa party sina Zion, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Pagkakita pa lang ni Zion sa Jurassic Park toys, tuwang-tuwa na ang bata.

Mag-asawang reporter na sina MJ at Oscar Oida, naglilihiman!

Ang mag-asawang Oscar Oida at MJ Marfori sa Victoria Court Suites Pasig birthday event ko noong Saturday night.

Inusisa ni Annabelle Rama sina Oscar at MJ tungkol sa pagiging parte nila ng magkaibang TV networks.

Nasa GMA 7 news department si Oscar at nasa TV5 news department naman si MJ.

Sabi ni MJ, dahil sa magkaibang TV networks nga sila, naglilihiman sila ni Oscar ng mga istoryang kino-cover nila.

Nalalaman na lang daw ni MJ kung ano ang istoryang kinober ni Oscar kapag naipalabas na ‘yon.

“Tita, hindi talaga kami puwedeng magsabihan kahit mag-asawa kami. Bawal!” sey pa ni MJ kay Tita Annabelle.

This Time at Just the 3... Hati ang laban

May mga nagsasabing mas maganda ang trailer ng Just The 3 Of Us kumpara sa This Time.

May mga nagsasabi rin na proven na ang lakas sa box-office ni John Lloyd Cruz na bida ng Just The 3 Of Us ng Star Cinema.

Pero siyempre, para sa fans ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre, mas maganda ang trailer ng This Time at sinisigurado nilang hindi madedehado sa takilya ang pelikula ng JaDine.

Marami na ang excited sa pag­dating ng Wednesday dahil mapapatunayan na kung ano’ng pelikula ang maghahari sa takil­ya.

Minsan na lang mangyari ang ganitong tapatan ng dalawang malalaking Pinoy movies.

Sana lang ay ilabas ang totoong box-office figures ng dalawang pelikula at hindi ‘yung may padding, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with