^

PSN Showbiz

Female newscaster peke ang balita, nagpabuhos ng tubig alang-alang sa coverage

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon, kapag nagkakasama-sama ang mga news reporters ng iba-ibang network, ay nagiging bahagi pa rin ng kanilang mga kuwentuhan ang mga nakaraang kaartehan ng isang female news personality.

Nakakatawa ang mga istorya, minsan naman ay maiinis ka, dahil totoo pala ang mga kuwento na kahit sa mundo ng bulwagang-pambalitaan ay nagkakabugan din ang mga news personalities.

Ang unang kuwentong pinagpistahan ng grupo ay ang pagiging OA ng isang female news personality. Dinaluyong nu’n nang matinding kalamidad ang isang lugar sa bandang South, kani-kanyang padala ang network ng kanilang news team para alamin kung gaano katindi ang pinsalang hatid ng bagyo at baha, ang female personality ang ipinadala ng kanyang istasyon.

Kuwento ng source, “Late na siyang dumating sa location, nakapag-interbyu na ang iba’t ibang grupo sa mga residente, halos tuyo na rin ang lupa nu’ng dumating siya dahil tapos na ang napakalakas na ulan.

“Ang tagal-tagal niyang dumating, tapos na ang aksiyon kumbaga, nu’ng sa wakas, e, dumating siya. Kaso, kailangan niyang umere that afternoon para may coverage din sila.

“Nakakaloka! Pinadiligan niya ang palibot ng lugar to make it appear na matindi pa rin ang ulan. At ang mas nakakaloka pa, e, nagsuot siya ang kapote na may hood, tumutulo ‘yun dahil binuhusan ng tubig ng mga kasama niya.

“Di ba, nakakaloka ‘yun? Tapos na ang pag-ulan, pero basambasa pa rin ang lupa, kasi nga, diniligan lang? At ang the height, basambasa rin siyang nagre-report dahil talagang pinaliguan muna ng mga kasama niya ang suot niyang kapote!

“Para lang meron siyang report, pati ang kalikasan, e, iniimbento nila? Nakakaloka ang babaeng ‘yun! OA siya! Super-OA!” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos!

Mas lalo pang binibira Kris hindi na pinaniniwalaan sa deklarasyong matagal na siyang may banta sa Abu Sayyaf

Heto na naman. Busog na busog ang social media ngayon sa pamba-bash kay Kris Aquino. Pagkatapos siyang maugnay sa kuwestiyonableng paggamit ng chopper ng pamahalaan at matapos niyang ilantad sa publiko kung ilandaang milyong piso ang ibinayad niyang buwis mula nu’ng 2008 hanggang nu’ng nakaraang taon ay may bago na namang isyu tungkol sa aktres-TV host.

Sangkot naman ang bandidong grupong Abu Sayyaf sa kinapapaloobang kontrobersiya ngayon ni Kris, nakarating daw kasi sa kanyang kuyang pangulo ang impormasyon na tina-target ng grupo para kidnapin si Kris at ang Pambansang Kamaong si Congressman Manny Pacquiao para ipatubos nang daang milyong piso, hindi sinakyan ni Pacman ang isyu.

Pero si Kris ay nakisakay sa tsubibo, naglabas siya ng opisyal na pahayag na nu’ng nakaraang Pebrero pa raw ay may alam na siya tungkol sa plano ng Abu Sayyaf na dukutin siya o sinuman kina Josh at Bimby, kaya sobra-sobrang stress ang inabot niya.

Sinabi rin ni Kris na bukod sa kanyang kalusugan ay ang bantang ‘yun ang totoong dahilan kung bakit hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN.

Natural, mapalalampas ba naman ng mga kababayan nating hindi natutuwa kay Kris ang mga ganitong kuwento? May nagkomentong ano na naman ito, pataas na nang pataas ang level ng mga kontrobersiyang pinapasok ni Kris, dahil pati ang bandidong grupo ay kasali na?

Bash kung bash ang inabot ngayon ng presidential sister, sa kawalan na raw ng mapag-uusapan tungkol sa kanya ay idinawit na rin nila ang Abu Sayyaf, pati raw ba sa pagpugot ng ulo ng isang bihag na Canadian ay nakikisawsaw pa rin ang magkuya?

Payo kay Kris ng mga netizens na may halong pangungutya, sana raw ay huwag na silang magbakasyon ng kanyang mga anak sa malalayong lugar, alam na raw pala niya nu’ng Pebrero pa na may plano ang Abu Sayyaf na dukutin silang mag-iina pero sige pa rin sila nang sige sa pagbabakasyon sa mga lugar na delikado.

‘Yun daw ba ang pinagpaplanuhang dukutin para ipatubos nang daang milyon? Sila pa ang naglalapit ng kanilang sarili sa indulto?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with