^

PSN Showbiz

Sarah ayaw maggaling-galingan kaya umatras sa pagko-coach

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Lunes ay muling pumirma ng two-year contract si Sarah Geronimo sa Kapamilya network. Kinumpirma ng Pop Princess na hindi na siya magiging bahagi o voice coach para sa bagong season ng The Voice Kids. “Sasabihin ko lang na gusto ko lang pong bumalik sa ASAP. Talagang ‘yung mag-concentrate naman sa growth ko bilang artist. Kasi I feel na bilang coach, parang lagi ko nga pong sinasabi na role playing talaga ‘yung pagiging coach. ‘Yung para bang alam ko lahat, kapag nagbibigay ako ng opinion, para bang ang galing-galing ko. Medyo naghe-hesitate pa rin po ako doon,” nakangiting pahayag ni Sarah.

Posible naman daw na magbalik ang dalaga sa nasabing programa sa mga susunod nitong season. “Sobrang masaya naman talaga and fun ‘yung experience, especially doing it with the kids. ‘Yun talaga ang the best. Baka po next season, why not? Kung gusto pa rin nila ako maging coach,” giit ni Sarah.

Nagpapasalamat ang aktres sa pamunuan ng Viva Artists Agency at ABS-CBN dahil pag-unawa sa kanyang naging desisyon. “Gusto ko magpasalamat sa ABS na talagang nandoon pa rin ‘yung relationship, na gusto po nila akong manatili sa kompanya po nila. And of course sa manager ko na napaka-understanding at supportive sa mga naging decision ko sa career ko,” pahayag ni Sarah.

Hindi man gumagawa ng teleserye ay gusto raw ng aktres na muling makagawa ng isang magandang pelikula. “Definitely po hindi ako magteteleserye kasi sobra po akong napapagod, ‘yung boses ko. Hopefully po makukuha ako ng pelikula na talagang mai-in love ako, mai-inspire akong gawin, hindi ‘yung parang, ‘Sige, gawin natin para lang may pelikula ka,” paliwanag niya.

May bulung-bulungan din na si Sarah ang posibleng gumanap bilang bagong Darna sa pelikula dahil sa pagsusuot niya ng isang superhero costume noong Linggo sa ASAP. “Hindi eh, hindi talaga po ako para doon. Pang-performance lang ‘yun,” pagtatapos ng aktres.

Kathryn nabitin kay Daniel!

Kamakailan ay masayang ipinagdiwang ni Kathryn Bernardo ang kanyang ika-dalawampung kaarawan kasama si Daniel Padilla sa Balesin. “Masaya! Bitin nga siya actually kasi ilang days lang kami doon. Private siya kagaya ng gusto ko and nag-enjoy naman kaming lahat. We were with our old friends. Konti lang kami,” bungad ni Kathryn.

Isang espesyal na bagay daw ang iniregalo ni Daniel sa dalaga. “Binigyan niya ako ng wallet tapos terno yata kami sa wallet na ‘yun. So iyon ang ginagamit ko,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Kahit napababalitang opisyal na diumanong magkasintahan ang dalawa ay hindi naman na raw mahalaga para kay Kathryn na lagyan pa ng label kung ano man ang mayroon sila ng binata. “Alam naman nila, gano’n talaga kami. Chill lang kami. Okay naman ‘yung mga tao na gano’n so hindi na kailangan pa,” giit ng aktres.

Samantala, nalalapit na ang shooting ng bagong pelikula na muling pagtatambalan ng KathNiel. “Ang alam ko lang malapit na kasi may mga meetings na rin kami, mag-o-ocular na rin sila kung saan ang final location. Alam ko may kaunting changes pero imi-meet na kami for the final story talaga. I’m very excited sa movie na ito. Sabi namin ni DJ, ibibigay naming lahat sa movie na ito. Tingnan natin kung ano ang mangyayari, kung kailan talaga,” pagbabahagi ni Kathryn.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with