^

PSN Showbiz

Sarah bagay na Wonder Woman! Rosanna Roces nag-aasal bata!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Tinawagan ni Robin Padilla sa telepono ang lahat ng kanyang mga kaibigan na gustong tumulong sa mga biktima ng police violence sa Kidapawan, Cotabato. Hindi nabigo si Robin dahil nagbigay ng tulong ang lahat ng mga tinawagan at kinausap niya sa telepono.

SCENE: Dapat iwasan ni Julie Anne San Jose ang impersonation niya kay Rufa Mae Quinto sa Sunday PinaSaya dahil hindi na natutuwa ang televiewers sa mga laos na pagpapatawa ni Quinto.

SEEN: Nabigyan ni Sarah Geronimo ng justice ang pagsusuot ng Wonder Woman costume sa production number niya kahapon sa ASAP. Mas kikita kung siya ang gaganap na Darna.

SCENE: Nasira ang pagiging multi-awarded child actor ni Miggs Cuaderno dahil ramdam na hindi siya komportable sa kanyang gay role sa Poor Señorita ng GMA 7.

SEEN: Ang mga panglalait kay Rosanna Roces dahil sa press release niya na dalawang beses sila na magpapakasal ng kanyang lesbian lover. Kung kailan tumanda, saka nag-aasal bata.

SCENE: Sa April 27 ang playdate ng Just The 3 of Us, ang unang movie team up nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado. Ang Just The 3 of Us ang unang pelikula ni Jennylyn sa Star Cinema.

SEEN: Big fans ng Korean pop stars ang magka­patid na Janice at Gelli de Belen. Spotted ang de Belen sisters sa meet-and-greet ni Lee Min Ho sa isang mall noong Sabado.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with