^

PSN Showbiz

Gay businessman niraraket na rin ang pagbubugaw!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Para magkaroon ng komunikasyong personal ang isang guwapong personalidad at ang pumupuntiryang beki sa kanya ay mahalaga ang papel na ginagampanan ng isang Boogie Wonderland kung tawagin ng marami.

Boogie Wonderland, na ang pakahulugan ay boogaling, bugaw, pimp. Ito ang nagtutulay sa guwapong lalaki at sa beking gusto siyang makasama, makakuwentuhan, makakuwanan.

‘Yun ang trabaho ng isang Boogie Wonderland, ang makipag-usap sa lalaki tungkol sa isang transaksiyon, ang makipagtawaran sa beki para sa talent fee ng guwapong lalaki.

May tongpats siyempre ang boogaling sa presyo ng lalaki, masuwerte ang Boogie Wonderland kung bukod sa ipinapatong nitong halaga ay bibigyan pa rin ito ng lalaki, ‘yun ang kanaturalan ng hanapbuhay ng isang pimp.

May isang gay benefactor na kinaiinisan ngayon ang mga boogaling, winawasak nito ang hanapbuhay ng mga Boogie Wonderland, dumidirekta na kasi ito sa mga kalalakihan at dinededma na ng beki ang mga tagapagpakilala sa mga guwapong bagets na nagpapabayad sa panandaliang kaligayahan.

Kuwento ng aming source, “Mautak ang gay businessman na ‘yun! Para makatipid lang sa panghahada niya, pati ba naman mga boogaling, tinatabla na niya? Madatung naman siya, ang dami-dami na nga niyang nakakarelasyong artista, pero sinagasaan pa niya ang mga nagbebenta ng hilaw na karne para lang makatipid siya!

“Inis na inis sa kanya ang mga pimp, galit sa kanya, dahil pati ba naman ang maliit na halaga lang namang ikinabubuhay nu’ng mga Boogie Wonderland, e, ipinagkakait pa niya?

“Kinukuha pala niya ang number ng mga lalaki, dumidirekta na siya, pati ang mga kaibigan niyang beki, sa kanya na rin dumadaan ngayon. Hindi siya nagpapatong ng porsyento, pero pinatay na niya ang hanapbuhay ng mga boogaling!” kuwento pa ng aming source.

Pahabol pa ng aming impormante, “Bagay na bagay sa kanya ang name niya na tunog-ahas. Isa siyang anaconda!”

Ubos!

Maine bibili ng sariling franchise ng fast food chain!

Hala! Halos lahat na yata ng produktong mabenta sa merkado ay ang AlDub na ang tagapag-endorso. Kundi man magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza ay may solohan din silang TVC. Ganu’n sila kabenta ngayon sa mga ahensiya.

Kinabog na ng dalawa ang mga dating naghahari-harian at nagrereyna-reynahan sa paggawa ng mga patalastas. Sila ang pinakamabenta ngayon, sila ang binabayaran nang milyones, napakasuwerte talaga ng AlDub.

Ayon sa isa naming source ay makukumpleto ni Alden ang ipinagagawa niyang bahay sa Nuvali sa pamamagitan ng paggawa niya ng kaliwa’t kanang commercials.

Malaking bahay ang ipinagagawa niya, konting-konting panahon na lang at Nuvali boy na ang guwapong aktor.

Si Maine naman ay nakadeposito lang sa bangko ang kinikita ngayon. Palibhasa’y maayos naman ang kanilang pamumuhay at nakatira pa rin ito sa kanyang mga magulang ay walang pinagkakagastusan ang dalaga. Pero isang araw ay may plano si Maine na mamuhunan para sa isang food chain.

Natural lang na i-bash sila ng mga taong walang magawa sa buhay, lalo na ng mga kampong direktang kinabog nina Alden at Maine ang career, maaasahan na ang ganu’ng kalakaran.

Basta wala silang sinasaktan at sinasagasaan ay wala silang dapat ipag-alala, publiko ang nagregalo sa kanila ng popularidad, hindi nila ‘yun inagaw kaninuman.

Pana-panahon lang ‘yan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with