^

PSN Showbiz

Erik hinding-hindi makakalimutan si Rufa Mae

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Engaged na si Rufa Mae Quinto sa non-showbiz boyfriend nito. Noong Biyernes lamang ipinaalam ng aktres sa publiko ang tungkol sa kanilang engagement ng Filipino-American na si Trevor Magallanes.

Masayang-masaya naman daw ang dating ka­sintahan ni Rufa Mae na si Erik Santos sa nalalapit na pagpapakasal ng aktres. “I think it’s time for her to get married. I know she loves her family so much. Grabe na ‘yung serbisyong naibigay niya sa pamilya niya. So this is the right time na sarili naman niya ang intindihin niya and she deserves that. She deserves to be happy,” nakangiting pahayag ni Erik.

“Sana lang alagaan talaga siya ng kung sino man ang mapapangasawa niya,” dagdag ng singer.

Hinding-hindi raw makalilimutan ni Erik ang naging relasyon nila ni Rufa Mae noon. “Unforgettable kasi madami kaming bagay na pinagsamahan and na-feel ko rin sa kanya ‘yung through thick and thin nandiyan siya sa tabi ko no’ng mga panahon na ‘yon. Until now we are really good friends. Kasi we try our best to be best of friends pa rin,” pagbabahagi ni Erik.

Kung sakaling imbitahin ni Rufa Mae ang singer na kumanta sa gaganaping kasalan ay pauunlakan naman daw ito ni Erik. “I’m more than willing to sing for her wedding. Iba naman ang pinagsamahan namin and we are still friends. Sobra akong masaya para sa kanya,” giit pa niya.

Allen binuhay uli!

Halos hindi raw makapaniwala si Allen Dizon na muli siyang makababalik sa teleseryeng Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes. Matatandaang namatay na ang karakter ni Allen bilang si Antonio sa nasabing afternoon series. “Hindi ko ini-expect na babalik pa ‘yung karakter ko kaya nagulat ako no’ng sabihing magti-taping na ulit ako. Ang akala ko talaga tapos na ako kasi namatay na ako, ipina-cremate na ako pero bubuhayin pala ulit. Masaya na babalik ako sa Doble Kara,” nakangi­ting pahayag ni Allen.

Kakaiba raw ang bagong role ng aktor para sa serye. “Ang sabi nila, kung nasaan daw si Carmina (Villarroel) nando’n din ako. Basta parang masama raw ‘yung character ko. Kasi nga ako ‘yung conscience ni Lucille (karakter ni Carmina),” dagdag ni Allen.

Wala ring problema sa aktor kung kontrabida na ang kanyang ginagampanan ngayon. “’Yun ang challenge para sa akin. Kasi hindi naman laging bida, dapat masubukan ding maging kontrabida. So challenging role na naman para sa akin lalo na sa TV. Kung ano ang gusto nilang ipagawa sa akin, kung kailangan kong maging demonyo, bahala na sila,” pagtatapos ni Allen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with