^

PSN Showbiz

Girlfriend For Hire 68 million na ang nakabasa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ang lakas ng kilig factor ng Valentine movie ng Viva Films na Girlfriend for Hire na magsisilbing launching movie ng loveteam nina Andre Paras at Yassi Pressman.

Sa trailer pa lang, ramdam ang chemistry nila.

Pinulido raw ang Girlfriend for Hire na last year pa sana ipalalabas pero hindi itinuloy dahil hindi rin minadali sina Andre and Yassi. Nagkasunud-sunod din kasi ang trabaho ng dalawa.

More than 68 million ang nakabasa nito sa Watt­pad kaya inaasahang susugurin rin sa mga sinehan sa pagbubukas nito sa February 10.

Third team up bale ito nina Yassi and Andre who were first introduced in the 2014 blockbuster hit Diary ng Panget with James Reid and Nadine Lustre.

Isang mayaman na nag-hire ng isang poor girl na ipakikilala sa kanyang lolo ang concept ng movie pero magkakaroon ng maraming major twist sa takbo ng kuwento.

Wala naman daw major changes sa original story sa Wattpad at sa presentation ng pelikula ayon sa Viva insider.

Heart kinarir ang pagiging spokesperson ng PAWS

Dahil sa kanyang adbokasiya na ipaglaban ang karapatan ng mga alagang hayop, napili si Heart Evangelista bilang isa sa mga tagapagsalita ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Ayaw kasing tantanan ni Heart ang pag-aampon ng mga inaabandonang aso’t pusa. Ito ay kahit kamakailan lang ay nakalmot siya ng isa sa inampon niyang pusa kung saan gumastos siya ng P50-K para sa injection ng anti-rabies at anti-tetanus.

Kilalang maawain sa mga hayop, hindi maiwasang iuwi ni Heart ang mga nakikita niyang abandonadong mga aso’t pusa sa daan.

Sa katunayan habang nagdya-jogging sa UP nitong mga nakaraang araw, nakita ng misis ni Sen. Chiz Escudero ang isang inabandonang pusa at talagang binalikan niya ito at hinanap.

“I found her!!! Took me days to find this cutie. I fed her a few days ago and she was so friendly. I will run everyday to feed you little miss mingning,” sey ni Heart sa Instagram kasama ang video ng inabandonang pusa.

Last week, sinabi ni Heart na iuuwi na niya ang pusa na binansagan niyang “Ginger.”

Pati nga si Chiz ay nahahawa na sa pagiging pet lover ni Heart.

Kamakailan ay nag-post pa si Heart sa Instagram ng picture ni Chiz habang nilalaro ang isa sa mga alagang aso ng aktres.

Ibinalita nga pala ni Heart sa kanyang fans na magkakaroon siyang muli ng bagong show sa GMA 7. Base pa rin sa Instagram post ng Kapuso actress ngayong araw ay kasado na ang pagsisimula ng kanyang primetime show this year, “Hello Gma Primetime, can’t wait to start taping my new telenovela! Let’s just say...I’m “happy”

Sinu-sino kaya ang makakasama ni Heart sa proyektong ito?

Last show niya ay with Lovi Poe.

Mga kaibigan ng aktor natuwa nang makipag-split sa aktres na parang may sayad

Grabe raw ang pagiging bipolar ng isang actress na in demand sa kasalukuyan. As in parang may sayad na raw ito kaya nabunutan ng tinik ang ilang kaibigan ng ex-boyfriend nito.

Kuwento ng isang source, noon daw, sa tuwing magkasama ang aktres na bipolar at ang boyfriend nitong actor din, hindi mapakali ang mga kaibigan nito (actor). Lagi raw nilang mino-monitor ang actor dahil baka kung ano’ng gawin ng nasabing aktres na parang aning-aning na raw.

Kaya naman nang mag-split sila, imbes na malungkot ang mga kaibigan ni actor, natuwa pa raw ang mga ito.

Kasalukuyan nang may ibang karelasyon ang aktres na tiyak daw ay nabibiktima ng pagiging bipolar nito.

Ayon sa medicinenet.com ang bipolar ay : A mood disorder sometimes called manic-depressive illness or manic-depression that characteristically involves cycles of depression and elation or mania. Sometimes the mood switches from high to low and back again are dramatic and rapid, but more often they are gradual and slow, and intervals of normal mood may occur between the high (manic) and low (depressive) phases of the condition. The symptoms of both the depressive and manic cycles may be severe and often lead to impaired functioning.

Meaning, hindi mo mahuhulaan ang ugali ng may ganitong disorder dahil nga paiba-iba ang mood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with