^

PSN Showbiz

Richard full blast na sa Panday

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

In full blast na ang taping ng bagong aabangang TV series ng TV5 at Viva TV, ang classic creation ni Direk Carlo J. Caparas na Ang Panday na siyang magsisilbing comeback TV series ni Richard Gutier­rez in almost three years and his first for the Kapatid Network.

Ang dating GMA Primetime King na si Richard ay kilala sa kanyang mga ginampanang Pinoy heroes role sa telebisyon tulad ng Captain Barbell, Mulawin, Sugo, Kamandag, at Codename: Asero kaya ganoon na lamang ang kanyang excitement na sa kanya ipi­nag­katiwala ang pagsasadula sa telebisyon ng Ang Panday na unang tumatak sa yumaong movie king and action hero na si Fernando Poe, Jr.

Directed by Mac Alejandre, ang Ang Panday ay tinatampukan din nina Christopher de Leon, ang child star na si Alonzo Muhlach, Ara Mina, Regine Tolentino, Sam Pinto, Bangs Garcia, John Regala, Epi Quizon, Tony Calvento, Carlos Agassi at maraming iba pa.

Ang nasabing serye ay magsisimulang matunghayan on TV5 sa darating na February 29.

Andrew E. kuhang-kuha pa rin ang kiliti ng masa

Wala pa ring kupas ang rapper na si Andrew E. na muling aktibo sa showbiz.

Napanood namin si Andrew E. two Sundays ago sa grand caravan ng TV5 at Viva TV na ginanap sa activity center ng Market! Market! bilang isa sa mga hurado (along with Pops Fernandez, Aiza Seguerra and Rico Blanco) sa bagong simulang singing reality program na Born To Be a Star hosted by Ogie Alcasid with Yassi Pressman at Mark Bautista as co-hosts.

Kahit matagal siyang nawala, kuhang-kuha pa rin ni Andrew E. ang crowd.

Bukod sa pagiging hurado ng Born To Be A Star na nagsimulang mapanood kagabi, February 6 sa TV5, kasama rin siya sa bagong TV series ng magka-loveteam na Liza Soberano at Enrique Gil na malapit nang matunghayan sa Kapamilya primetime TV na pinamagatang Dolce Amore na magsisilbing first TV series ni Andrew E.

Vocalist ng Earth, Wind and Fire, namaalam na rin

Matapos sumakabilang-buhay last January 10, 2016 ng music icon at rock star na si David Bowie, isa na namang international music legend ang pumanaw nitong nakaraang Miyerkules, February 3, 2016, ang leader-founder ng 1969 African-American band na Earth, Wind  & Fire na si Maurice White.  He was 74.

Bago binawian ng buhay habang natutulog sa kanyang tahanan sa Los Angeles, California, si Maurice ay matagal ding nagkaroon ng Parkinson’s disease na siyang naging dahilan ng kanyang pagtigil sa pagtu-tour with his band.

Isa sa mga successful acts in the `70s, ilan sa mga classic hit songs ng Earth, Wind & Fire ay ang September, Shining Star, After the Love Has Gone, Boogie Wonderland at marami pang iba.

Pagkatapos manganak ni Nina, Nyoy ikakasal na

Kung ang Soul Siren na si Nina ay nakapagsilang na ng kanyang first baby na isang girl last December 24 courtesy of her non-showbiz partner, ang ex-boyfriend naman niyang si Nyoy Volante ay nakatakdang ikasal sa kanyang stage actress girlfriend na si Mikkie Bradsaw sa darating na February 24.

It was in July 2014 nang mag-propose si Nyoy kay Mikkie pero ngayong February 24 lamang sila magpapakasal.

As far as we can remember, hindi naging maganda ang break-up noon nina Nina at Nyoy na nauwi pa sa demandahan.

Maging magkaibigan na kaya in the future ang mag-ex considering na may kani-kanya na silang partner ngayon?

Alonzo hindi nababakante

Balik sa pagpu-produce ng pelikula ang Golden Lions Films ng mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas at balik din sa pagdidirek ang huli.

Pinamagatang Miracles Are Forever, isa itong trilogy movie hango sa totoong buhay at mga pangyayari at ito’y binubuo ng isang powerhouse cast kung saan kabilang din ang bagong Child Wonder na si Alonzo Muhlach.

Natutuwa ang ama ni Alonzo na si Niño Muhlach dahil involved ang kanyang mini-me sa dalawang proyekto na parehong may kinalaman kay Direk Carlo J.

Bukod sa Ang Panday, kasama rin si Alonzo sa comeback movie ng mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas na Miracles are Forever.

Si Alonzo ay huling napanood sa mega blockbuster MMFF movie na Beauty and the Bestie na pinangunahan nina Vice Ganda at Coco Martin at idinirek ng box office director na si Wenn Deramas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with