^

PSN Showbiz

Buti na lang mag-aasawa na Rufa Mae sinibak na sa Bubble Gang, Jason Abalos hindi pwedeng itanggi ang video scandal!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nakatulong ang engagement nila ng kanyang Filipino-Chinese-American boyfriend para mabawasan ang lungkot ni Rufa Mae Quinto na dulot ng pagkakatanggal niya sa Bubble Gang.

SCENE: Nagpunta si Rufa Mae Quinto sa Amerika noong December 2015. Walang kamalay-malay si Rufa Mae na wala na siyang babalikan na regular television show.

SEEN: Mahihirapan si Jason Abalos na itanggi na hindi siya ang bida ng video scandal ng lalake na kamukhang-kamukha niya.

SCENE: Nanay ni Carlos Agassi ang role ni Ara Mina sa Ang Panday ng TV5/Viva. Parehong 36-years old sina Ara at Carlos.

SEEN: Ang pagkikita nina Pia Wurtzbach at Janine Tugonon sa San Francisco, California. First runner up si Janine sa Miss Universe 2012 at reigning Miss Universe si Pia.

SCENE: Dahil na-dismiss ang child abuse case laban kay Cesar Montano, binubuhay ang tsismis na nakabuntis siya ng ibang mga babae pero hindi na ito sineseryoso ng mga tao dahil wala nang tatalo at titindi pa sa isyu na gumawa siya ng kalaswaan sa harap ng kanyang mga anak pero ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang reklamo dahil sa kawalan ng probable cause.

SEEN: Ang announcement ng Top 24 contestants ng farewell season ng American Idol na 15 taon na sinubaybayan ng mga mahihilig sa talent search show. Sina Jessica Sanchez at Jasmine Trias ang ilan sa mga Filipino-American na nakilala dahil sumali sila sa American Idol.

SCENE: Isang happy ending ng On The Wings of Love ang inihahanda ng creative team ng hit primetime teleserye nina James Reid at Nadine Lustre.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with