PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Na-trauma sa nakaraan nila ni Andi?! Bret takot ma-bash ng JaDine fans

Bret

Noong una ay natakot daw si Bret Jackson na tanggapin ang alok sa kanya na maging ka-love triangle sa bagong pelikula nina James Reid at Nadine Lustre.“Siyempre natakot ako kasi anyone that gets near JaDine, siyempre ayaw nila,”bungad ni Bret.

“Pero dahil best friends kami ni James, parang natanggap nila na pwede ako. So ‘yung mga first pictures I posted na kami ni Nadine, okay lang. ‘BretDine! BretDine!’ Okay naman sila. And plus trabaho lang ‘yon eh,” dagdag ni Bret.

Hindi pa maaaring ibigay ang detalye tungkol sa bagong pelikula pero kaabang-abang daw talaga ang bawat eksena na kanilang ginagawa ngayon. “Baka magalit sa akin, but it’s a love story. Actually, ‘yung role ko do’n sa JaDine movie is very surprising kasi may twist kaya I’m very excited,” giit ni Bret.

Sa ngayon ay hindi pa naman daw nakararanas ang binata ng pamba-bash sa social media mula sa mga tagahanga ng sikat na tambalan. “Wala naman po. I’m actually very excited kasi ‘yung mga roles ko this year, they are all different. At saka mas gusto ko na wala ring love team. Even back then when people say na, ‘Oh! You’re just using people like ‘yung kay Andi (Eigenmann), pero hindi talaga. Until now, Andi and I are really good friends,” pagtatapos ng aktor.

Xian nawalan ng tiwala sa akting, nakabawi nang purihin ni Ate Vi

Sa Miyerkules ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Everything About Her na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Xian Lim, at Vilma Santos.

Para kay Xian ay isang malaking karangalan na maka­trabaho ang dalawang magaling na aktres. Mara­ming mga bagay daw ang natutunan ng aktor mula kay Ate Vi. “Mahalin mo lahat ng tao sa paligid mo. The question I had before I got to work with her is why do millions of people love her, bakit mahal na mahal siya ng tao? And I can see why kasi kinausap niya ako. Sabi niya, ‘Xian, lahat iyan tayo ang tiningala, tayo ang sikat. Pero take time to appreciate those people na nagdadala ng bag natin. Lahat ng mga tao na nagdadala ng ilaw sa mga set para sumikat ka. So you love those people because you owe it to them,’” kwento ni Xian.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagpapasalamat din ang aktor sa Star for All Seasons dahil sa pagtatanggol ng aktres sa mga kumukuwestiyon sa pagkakasama ni Xian sa nasabing pelikula. “The previous months, dumating na ako sa point na mayroon pa ba akong ginagawa na tama? Parang bakit lahat ng gawin ko parang may mali? Bakit may nasasabi ang mga tao palagi? Pero at that time, si Miss Vilma pa ang nagsalita so I just felt really appreciative doon sa ginawa nila,” paliwanag ni Xian.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: