^

PSN Showbiz

Mga twist sa My Bebe Love… kaabang-abang!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ano kaya ang mangyayari kung ang comedy giants na sina Vic Sotto at box-office queen AiAi delas Alas ay makikipagsasanib-puwersa sa pinaka­bagong record breaking at phenomenal loveteam ng taon na AlDub sa isang pelikula during the holiday season?

Walang kaduda-dudang ang My Bebe Love: Kilig Pa More! starring AiAi delas Alas at ang phenomenal loveteam AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ay talagang tatabo sa takilya at magsi-set ng higher heights in the Me­tro Manila Film Festival (MMFF) history.

Dapat nang i-expect ang hyper na excitement, nakakakilig na tambalan, nakakatawang samahan na may excellent Filipino values sa pelikulang isinulat nina Jose Javier Reyes at Bibeth Orteza at idinirek ni Jose Javier Reyes.

Sabi pa ng ilang festival observers, sigurado na raw ang box-office reign ng My Bebe Love: Kilig Pa More! offered by OctoArts Films, M-Zet Television Productions, Inc., APT Entertainment, GMA Films, and Meda Production.

Kasama rin sa My Bebe Love: Kilig Pa More! Sina Joey de Leon, ang tatlong lola sa kalyeserye na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, and Wally Bayola, and Ryzza Mae Dizon, in special appearances.

Sa kuwento ng pelikula, gaganap si Bossing Vic bilang si Vito, na bitter sa pakikipagkumpitensya kay Cora (AiAi). Pareho silang nasa business of moun­ting special events and productions and both have made a successful name in the same profession.

Ang pinaka-conflict sa istorya ay mangyayari sa kani-kanilang respective wards – si Anna (Maine) na anak ni Vito, ay mai-in love sa pamangkin ni Cora na si Dondi (Alden).

As expected, ang kani-kanilang mga guardian ay sobrang tutol sa romantic involvement ng dalawa at handang gawin ang lahat para ‘wag matuloy ang pag-iibigan nila.

Mag-iiba ang takbo ng istorya nang ang away na namamagitan kina Vito at Cora ay parang papunta na sa ibang bagay. Ngayon, pagkakataon naman ng mga youngsters para mag-react sa ‘nangyayari’ sa kanilang mga magulang.

Aba syempre, tinutulan din nina Dondi at Anna ang nangyayaring eksena kina Vito at Cora na nahuhulog na sa isa’t isa.

Ano kaya ang mangyayari sa huli? Abangan ang nakaka-excite pang mangyayari sa My Bebe Love: Kilig Pa More na magsisimula nang mapanood sa Pasko.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANO

BIBETH ORTEZA

BOSSING VIC

DONDI

JOSE JAVIER REYES

KILIG PA MORE

MY BEBE LOVE

VITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with