^

PSN Showbiz

Pero todo-deny pag may camera Aktres parang lubid kung sakalin ang aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matindi palang magselos ang isang female personality. Kahit hindi pa naman siya sigurado tungkol sa mga nababalitaan niya ay nauuna na agad ang kanyang pagseselos kesa sa kanyang pagtatanong.

Tuloy ay nasasakal na ang kanyang boyfriend. Tanda ng pagmamahal ang pagseselos, pero kapag sobra na, parang lubid ‘yun na sumasakal sa relasyon.

Kuwento ng isang source, “Maganda naman siya, parang wala nang kulang sa kanya, saan pa kaya nanggagaling ang pagiging insecure niya?

“Konting bagay lang tungkol sa boyfriend niya, umaariba na agad ang pagiging selosa niya. Saan ka naman nakakita ng babaeng hindi nakikipag-usap sa karelasyon niya nang ilang araw na hindi alam ng lalaki ang dahilan kung bakit siya nagkakaganu’n?

“Alam n’yo, isang araw, matatapos na rin ang pagkasakal ng guy. Walang mangyayari sa relasyon nila dahil grabeng magselos ang girl!” kuwento ng aming impormante.

Ang tanong, selosa nga ang girl, pero kailan ba naman siya umamin na sila na nga ng aktor? Kapag tinatanong siya ay puro kaartehan ang isinasagot niya, gasgas na gasgas sa kanya ang litanyang “We’re just friends,” di ba naman?

Kung makapagdenay ang girl ay parang wala nang bukas pa, kapag may mga camera, napakalayo ng kanilang distansiya. Pero para siyang kapanganganak na tigre kung makapagselos, walang pinakikinggang paliwanag ng boyfriend niya ang girl, tama ba naman ‘yun?

“Nakakaloka ang pagka-insecure niya, masyado siyang selosa na wala naman sa lugar. ‘Yun ba ang walang relasyon? Mad­yorte talaga ang babaeng ‘yun, i-translate na lang sana niya sa acting ang kaartehan niya, ‘no!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

 Karla nasilaw daw sa datung, career ni Daniel namimiligrona raw!

Nang kumalat ang balitang si dating Secretary Mar Roxas ang ieendorso sa panguluhan ni Daniel Padilla ay maraming kilay ang nagtaasan sa pinakamataas na palapag.

Ang kanilang tanong, bakit ang manok ng Liberal Party ang ikakampanya ng young actor, samantalang taga-Tacloban ang kanyang inang si Karla Estrada?

Nang manalanta ang bagyong Yolanda ay nahagip ang Leyte, matinding dusa ang inabot ng mga tagaroon dahil hindi lang mga bahay ang nawala sa kanila, kundi maraming buhay na nabuwis sa matinding kalamidad.

Naging malaking isyu ang kabagalan ng pagtulong ng gobyerno sa nasabing probinsiya dahil isang Romualdez ang kanilang tagapamuno, sino ang makalilimot sa binitiwang linya nu’n ni Secretary Mar, “Remember, you’re a Romualdez and the president is an Aquino?”

Tapos ngayon ay si Secretary Mar ang isusulong-ikakampanya ni Daniel sa pangu­luhan? Ibig bang sabihi’y kinalimutan na lang basta ng kanyang inang si Karla ang pagdurusa ng kanyang mga kababayan nu’ng panahon ng Yolanda?

Sabi ng isang kababayan ni Karla sa Tacloban, “When money talks, everybody listens talaga.” Makahulugan ang komento, matinding patama ‘yun kay Karla, naturi­ngan pa naman itong taga-Tacloban na pinagdusa ng gobyerno nu’ng panahon ng Yolanda pero ang kaalyado pa ni P-Noy ngayon ang susuportahan ng kanyang anak?

Pero hindi rin dapat kalimutan ng mga kababayan ni Karla na bestfriend nito ngayon si Kris Aquino na partido Liberal siyempre ang sinusuportahan. Hindi makatatanggi ang ina ni Daniel Padilla sa kanyang kabungguang-siko ngayon.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DANIEL PADILLA

KANYANG

KARLA

LEFT

NAMAN

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with