^

PSN Showbiz

Matapos husgahan ni Kris James dumalo naman pala sa first communion ni Bimby, pero nanahimik!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Dahil sa kontrobersyal na interview ni Karen Davila kay Alma Moreno, ang dami tuloy mga pulitikong na-challenge na magpa-interview sa programa sa ANC ng pamosong broadcaster.

Sabi ni Mons Romulo na tumatakbong Representative ng lone district ng Pasig City, kahit saang interview dapat daw talaga ay mapaghandaan nang husto dahil hindi mo naman alam kung alin sa mga isyu ang itatanong.

Alam niyang marami nang alam si Alma sa pulitika, pero dapat daw na napaghandaan na ito ng actress/politician.

Pero sabi naman ni Mons, wala raw siya sa lugar para magbigay ng payo kay Alma.

“Beterana na rin siya sa politics eh. Naging councilor na siya, siguro by now alam na niya what to do and not to do,” pakli ni Mons Romulo.

PAK: Pumirma si Derrick Monasterio ng kontrata sa GMA Records kamakalawa ng hapon. Nakapag-record na siya at tinatapos na raw ang album niya, na hindi pa napagdesisyunan kung ano ang title.

Ayaw na raw magpa-pressure ni Derrick kung ikumpara siya sa album ni Alden Richards dahil tingin naman daw niya mahirap lagpasan iyon. Pero sana, suportahan naman daw ng fans. “Sana ma-realize naman nila ang talent ko,” pakli ng Kapuso young actor

Kung matalbugan daw siya ni Alden sa album, natitiyak ni Derrick na matalbugan naman daw niya si Alden sa paseksihan.

“Mas sexy ako definitely,” napapangiti niyang sagot. Kaya hindi raw maiwasang nakakatanggap daw siya ng mga indecent proposal. Hindi raw sa mga bading kundi mga matrona, pero hindi naman daw niya ini-entertain.

BOOM: Dumalo naman pala si James Yap sa First Communion ni Bimby Yap, pero inabot muna siya ng katakut-takot na pamba-bash dahil sa unang ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instragram account. Kaya positive na lang sana.

Kaya nagpaliwanag na naman si Kris sa kanyang IG account na sumagot daw si James sa kanyang text message na ipinadala. Baka raw hindi lang pumasok dahil sa iPhone ang gamit niya at Samsung naman ang kay James. Nasa Hawaii daw siya nung oras na iyun kaya maaring hindi pumasok ang sagot ni James.

Nagkausap daw sila sa seremonya ng kanilang anak at ipinakita sa kanya ni James ang sagot nito na maaring hindi pumasok sa kanya.

Sabi na lang ni Kris sa caption ng kanyang IG account; “It is hard to be an ex couple, but for the love of a child, we just have to set aside differences & work on mutual respect. Patience & effort lang talaga.”

At least, naayos at dumalo si James pagkatapos siyang alipustain ng mga followers ni Kris. Pero wala tayong narinig kay James, masaya lang siya na nakadalo ito sa mahalagang araw ng kanyang anak.

Mensahe ni James para kay Bimby na ipinost sa kanyang IG account; “Palagi mong gawing gabay si God hanggang sa paglaki mo. I love you so much my son at ang love ko sa ‘yo ay ang isang bagay na ‘di kayang alisin ng nino man sa akin. God bless you anak at napaka-ligaya ni papa na nagkasama tayo muli!”

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAW

HINDI

JAMES

KAYA

MONS ROMULO

NAMAN

PERO

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with