^

PSN Showbiz

Bea laging naninibago kay John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kumita nang mahigit P320 milyon ang pelikulang The Love Affair na pinagbidahan nina Bea Alonzo, Richard Gomez, at Dawn Zulueta ilang buwan na ang nakalilipas. Maraming mga bagay daw ang natutunan ni Bea mula sa nasabing proyekto. “Ang pinakaimportanteng natutunan ko siguro ay mahalin mo ‘yung sarili mo na kahit na ikaw lang. Huwag kang maghintay na may taong darating na kukumpleto sa ‘yo. Dapat kumpleto ka bilang ikaw lang. You can only give love to others if you love yourself and if you are a whole,” makahulugang pahayag ni Bea.

Ngayon ay ang sequel naman ng pelikulang One More Chance ang pinagkakaabalahan ng aktres. Ito rin ang magsisilbing reunion movie nina Bea at ang katambal na si John Lloyd Cruz.

Napasikat ng dalawa ang mga karakter nina Popoy at Basha noong 2007 dahil sa One More Chance. Mayroong mga malaking pagbabago sa istorya na mangyayari sa bagong proyekto ni Bea at John Lloyd. “Siyempre ibang tao na kami ngayon. Marami na kaming natutunan from the past. And what’s exciting is that every time magkatrabaho kami together, laging may sorpresa para sa isa’t isa,” nakangiting pahayag ni Bea.

“Lagi akong mayroong nakikitang bago sa kanya at sana gano’n din siya sa akin. Kasi siguro nago-grow kami sa bawat proyektong mga ginagawa namin na hindi magkasama. That’s why nakakatulong ‘yun eh na we’re growing apart. And then when we do a project together again, it’s totally different feel na naman, kasi nag-grow na kami as actors, as individuals,” dagdag pa niya.

Samantala, sa susunod na taon pa raw muling makagagawa si Bea ng isang teleserye. “Exciting din ‘yun. Nae-excite ako do’n kasi meron akong makakasama na matagal na rin nating hindi nakita sa TV,” pagbabahagi ng aktres.

Maja walang pakialam sa mga nang-iimbyerna sa kanyang concert

Gaganapin ang pangalawang concert ni Maja Salvador na may titulong Majasty sa SM Mall of Asia Arena sa November 13. Dahil dito ay muli na namang dinaranas ng aktres ang pagkwestiyon ng ilan kung bakit siya nagkakaroon ng concert gayong hindi naman siya singer. Naranasan ito ng aktres nang gawin ang naunang concert mahigit isang taon na ang nakararaan. “Ay! Dedma ako riyan. Super dedma ako. Talagang kunwari may mga negative silang sasabihin sa akin or kung ano man, expected mo na ‘yan. Eh kasi hindi nga lahat magugustuhan ka. Baligtarin mo lang. Gawin mo lang positive ‘yon. Kasi ‘di ba kung ano ang ina-allow mo na mangyari sa ‘yo at iisipin mo ‘yun ang mangyayari. So doon ka lang mag-focus sa mga positive na sinasabi. ‘Yung negative wala, talo ka kapag pinansin mo,” paliwanag ni Maja.

Maraming sorpresang ihahatid sa mga manonood ang aktres para sa nasabing concert. “Excited akong ipakita ‘yung kabuuan ng concert. Siyempre sayaw expect n’yo na sasayaw ako. Pagkanta siyempre no choice kayo kundi pakinggan n’yo rin ako kumanta kahit paano. Siguro ‘yung mga kakaibang production numbers sa set,” natatawang pahayag ng aktres.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA

BEA ALONZO

DAWN ZULUETA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KASI

LOVE AFFAIR

MGA

ONE MORE CHANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with