^

PSN Showbiz

Mapapangasawa ni Cristine Reyes magso-showbiz na rin

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi tiyak at wala pang kinukumpirma si Cristine Reyes o maski na ang mapapangasawa niya at ama ng kanyang anak na si Ali Khatibi, pero mukhang may nilulutong movie project para sa napakaguwapong mixed martial artist.

Babalikan din ni Cristine ang kanyang pag-aartista, pero sinabi na nito noon pang bago siya magbuntis na limitado na ang roles na tatanggapin niya. Kaya nga isang comedy ang ginagawa niya kasama sina Jason Gainza at Paolo Balleteros at isang drama kung saan naman ay kapartner niya si Zanjoe Marudo.

Kung si Ali ang masusunod, hindi pa lubos ang desisyon niya na pasukin ang mundo ni Cristine, lalo’t napakamahiyain niya, pero wala namang mawawala kung susubukan niya. Malay natin, baka magustuhan din niya na makita ang sarili sa screen.

Boy hindi nang-aagaw ng eksena ng bisita 

Mukhang napakabilis naman ng transformation ng host ng Tonight With Boy Abunda pagdating sa pananamit. Mukhang nagustuhan niya ang tipo ng wardrobe na ipinasusuot sa kanya ng kung sinumang stylist. O baka naman sariling choice niya ang kanyang bagong look, kung kaya gabi-gabi ay bagets na bagets at kumportableng kumportable sa kanyang bagong bihis ang TV host. 

Bago man ang style na ipinauuso ni Boy Abunda sa TWBA, ang hindi nagbabago ay ang pakikipag-usap niya sa kanyang mga bisitang artista.

Ang maganda kay Boy, hindi naaagaw ng kanyang hitsura ang pakikipag-usap niya sa kanyang mga guest. Nakukuha man niya ang mga gusto niyang makuhang impormasyon sa kanila, nagagawa niya ito nang walang nababastos o nalalagay sa alanganin.

Hindi man niya aminin, mas gumanda ang programa niya ngayong nag-iisa na siya at wala nang inaalalang co-host na baka makasalungat pa ng ideya niya.

Eat Bulaga at Showtime pinaalalahanan ng simbahan sa ‘away’

Masaya ako sa pagiging fair ng mga miyembro ng Catholic Bishops of the Philippines sa ginawa nilang pagpapalabas ng opisyal nilang pagpa­paalala sa mga sumusuporta sa mga palabas sa TV, lalo na ang mag­kalabang Eat Bulaga at It’s Showtime, na maging maingat sa ka­nilang panonood. Sinabi ni Fr. Ku­negundo Garganta, Exec. Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth, na hindi lamang ang kilig factor na ibinibigay ng mga artista ang dapat pahalagahan ng mga manonood kung hindi ang anumang mensahe na gustong ipaabot ng prog­rama.

Sinabi rin niya na dapat ay alam ng mga ma­no­­nood kung paano balansehen ang reyalidad sa hindi.

Bakit tila puro pamba-bash ang ginagawa ng mga supporter ng mga bida ng Kalyeserye ng Eat Bulaga sa kalaban nilang Nasaan si Mr.Pastillas ng Showtime? Tama lang na humanga sila sa kanilang mga idolo, pero ang mang-away ng kalaban ay hindi naman yata maka-Kristyano.

Hindi rin fair ‘yung ginawang paratang ng Gabriela na ibinubugaw ng programa ng Dos si Miss Pastillas na naging dahilan para magpakita ang ina nito at makiusap na tigilan na ang paninira sa kanyang anak.

Sinabi niyang isa rin si Angelica Yap aka Miss Pastillas sa mga babaeng dapat ipagtanggol at suportahan ng Gabriela.

Barbie mas inspirado sa trabaho dahil kay Eddie

Nag-post si Barbie Forteza sa IG ng kanyang litrato kasama ang award-winning veteran actor na si Eddie Garcia. Hindi makapaniwala ang dalaga na makakaeksena niya ang kanyang mga iniidolo dahil sa kanyang Afternoon Prime series na The Half Sisters kaya naman daw mas lalo siyang nai-inlove sa kanyang trabaho at nai-inspire na mas pagbutihin pa ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

EAT BULAGA

HINDI

KANYANG

MGA

MISS PASTILLAS

NIYA

SHOWTIME

SHY

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with