^

PSN Showbiz

Susugalan ang MMFF movie Aljur suportado ng maimpluwensyang pulitiko!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Aljur Abrenica na nga raw ang magpu-produce ng pelikulang Hermano Puli na entry nito sa Metro Manila Film Festival.           

Hindi na nagkasundo sina Direk Gil Portes at ang kanilang financier kaya napabalita noon na hindi na raw ito matutuloy.

Sa tulong ni Aljur, itutuloy na raw ang pelikula kaya siya ang tatayong producer.

Ang dinig namin may mga kaibigan si Aljur na willing mag-finance para maituloy ang pelikula.

Sabi naman ng Kapuso actor, nakikipag-usap pa lamang daw siya sa mga kaibigan at natutuwa raw siya dahil willing naman daw siyang tulungan. Kailangan daw matuloy ang naturang pelikula ka­ya ginagawan nila ng paraan na matapos ito.

Totoo bang isang maimpluwensyang pulitiko na tatakbo sa darating na eleksyon ang isang mala­king financier nila?

PAK: Miss na miss na ni Alden Richards ang Kalyeserye lalo na si Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Nag-post ito sa kanyang Twitter account na obviously kay Yaya Dub niya tinutukoy.

Sabi niya; “Hindi ako sanay…sobrang nakakamiss. Hintayin mo ako ah?”

Si Yaya Dub naman o si Maine Mendoza ay meron ding post na mukhang para kay Alden din niya tinutukoy.

Aniya; “That person who makes you sad will always be the same person to make you smile. #DramaramaSaUmaga”

Habang wala si Alden, punung-puno ng drama ang Kalyeserye, at ang galing nina Lola Nidora at Yaya Dub na dalawang araw nang nag-iiyakan dahil sa pagdating daw ng tunay na ina ni Yaya Dub na si Isadora.

Kukunin na raw nito si Yaya Dub, kaya sabi ni Lola Nidora dapat gali­ngan daw ni Yaya Dub ang performance niya sa Bulaga Pa More.

BOOM: Mabilis na kumalat sa social media ang pagpanaw ni Elizabeth Ramsey kahapon ng umaga.

Sa ipinost ni Jaya sa kanyang Facebook account, ramdam naming tanggap niya ang pagpanaw ng kanyang ina.

Aniya; “Mama Beth Ramsey is now with our Lord…83 years has been full. Love and laughter, she has given not just our family but the whole nation. Thank you for your love and prayers and I rejoice because she passes in her sleep. In peace. In God’s loving arms. Bye Mama until we meet again I love you forever. Thank You Jesus.

Wala raw si Jaya nang nalagutan nang hininga ang kanyang ina dahil umuwi raw ito sandali.

Ang nagbabantay daw sa kanya ay ang ma­nager nitong si Maristel.

As of presstime, wala pang detalye sa burol ni Tita Elizabeth.

Nakikiramay po kami.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG

ANIYA

LOLA NIDORA

MAINE MENDOZA

NBSP

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with