^

PSN Showbiz

Magkakapatid na Pinay lutang ang galling sa X Factor UK

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung si Gerphil Flores ay hindi nag-give up matapos niyang sumali noon sa Pilipinas Got Talent at muli siyang sumu­bok sa Asia’s Got Talent in Singapore kung saan siya lumutang nang husto at pu­ma­ngatlo sa grand winner sa Filipino group na El Gamma Pe­numbra, ganoon din ang pakiram­dam ng Gollayan sisters na sina My­lene, Irene, Celina, at Almira Cerca­do nang sila’y makipagsapalaran at su­ma­li sa X-Factor UK sa London na pina­mumunuan mismo ng creator ng programa at isa sa mga hurado na si Simon Cowell.

Calling themselves 4th Power, ang apat na magkakapatid ay naging kampeon na rin noong 2012 sa It’s Showtime ng ABS-CBN at sumali rin sa isa singing competition sa Korea, ang Superstar K-6.

Kung sa unang salang sa kanila sa X-Factor UK ay binigyan sila ng standing ovation ng apat na hurado at ng audience, nakatitiyak ang grupo na malaki ang kanilang magiging laban sa mga susunod pang pagsubok ng nasabing reality singing competition.

Sa totoo lang, Salve A., kahit saang sulok ng daigdig ay lutang talaga ang kakaibang talent ng mga Pinoy.

Pagganap kay Marcos, highlight ng career ni Mark

Nakaka-inspire ang kuwento ng buhay ni Mark Bau­tista na lumuwas ng Maynila noon na ang ta­nging baon ay ang pag-asang maiangat ang kanyang pamilya sa Cagayan de Oro.

Anumang hirap ang pinagdaanan noon ni Mark ay napalitan naman ito ng sunud-sunod na biyaya at ang pangarap niya noong matulungan ang kanyang pamilya ay naisakatuparan niya.

Malayo na nga ang narating ni Mark tulad nina Sarah Geronimo, Rachelle Anne Go, Erik Santos, Christian Bautista at maraming iba na nagmula sa mga singing competition at naging pasaporte nila sa tagumpay na kanilang tinatamasa ngayon.

Thirteen years na ang nakalipas matapos ma­ging first runner-up si Mark ng grand winner noong si Sarah Geronimo sa reality singing competition na Star for A Night na produced ng Viva TV and aired sa IBC-13.

Biggest break kay Mark ang pagkakapi­li sa kanya para gam­­pa­­nan ang role ni dating Pangulong Fer­­­dinand Edralin Mar­cos sa isang mu­­­sical play sa Lon­don, ang Here Lies Love. Sa London din u­mus­bong ang panga­lan ni Rachelle Anne na si­yang nagbida sa musical re-staging ng Miss Sai­gon na unang ginampa­nan ni Lea Salonga.

Balik-Pilipinas si Mark na hindi nawawalan ng mga project at kasama na rito ang stage musical adap­tation ng classic movie noon nina Sharon Cu­neta at Christopher de Leon, ang Bituing Walang Ningning na magkakaroon ng re-run this October sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

At 32, hindi pa rin nakikita ni Mark ang kanyang makakatuwang sa buhay.

vuukle comment

A NIGHT

ACIRC

ALMIRA CERCA

ANG

BITUING WALANG NINGNING

CHRISTIAN BAUTISTA

EDRALIN MAR

EL GAMMA PE

MARK

SARAH GERONIMO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with