^

PSN Showbiz

Itinakbo ang mahigit kalahating milyong dolyar! Beteranang aktres kinasuhan ng nilokong Kanong dyowa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Mark nagsalita na sa pamba-basted ni Winwyn

PIK: Hindi nakadalo si Megan Young sa press launch ng Starstruck 6 kamakalawa ng gabi dahil sa hindi ito pinayagan ng staff ng MariMar.

Sabi ni Dingdong, ibang tandem itong hosting nila ni Megan sa Starstruck dahil galing din kasi sa naturang talent/reality show si Megan.

Aniya; “Dito nakikita natin na all these years, ma­da­ming puwedeng mangyari sa isang hopeful. Sana maging drive at inspirasyon at mag-draw ng energy sa mga contestants natin.

“Kasama mo talaga sa tabi mo ‘yung mga nagmula sa Starstruck.”

Bukod sa pagiging host, isa rin si Dingdong sa mga judge kahanay sina Joey de Leon, Regine Velasquez, at Jennylyn Mercado.

Sa September 7 na magsisimula ang Starstruck bago mag-24 Oras. Sa September 11, Biyernes ang first live airing nito na kung saan doon malalaman kung mababawasan pa ang 35 contenders.

PAK: Isa rin si Mark Herras sa journey host ng Starstruck at sa press launch nito, nilinaw ni Mark na wala raw talagang namamagitan sa kanila ni Winwyn Marquez.

Naging close raw sila dahil meron daw silang Viber group, at aminado siyang okay sila ni Winwyn.

“Kami ni Win, hindi naman siya ready, busy siya. Lalo na ngayon na tatakbo si Tita Alma (Moreno), busy siya ngayon dahil tumutulong siya sa mommy niya,” pahayag nito.

Ayaw lang aminin ni Mark na nanligaw siya, pero sinabi naman niyang nagkaintindihan daw sila ni Winwyn na mag-focus muna sila sa kanilang career, at isantabi muna ang lovelife.

Agree rin naman si Mark kaya okay daw na friends na muna silang dalawa.

Sabi kasi ni Mark kung sakaling pumasok daw siya sa isang seryosong relasyon, gusto raw niya na ito na raw sana ang babaeng pakakasalan niya.

BOOM: Isang 74-year old American ang nag­sampa ng kasong Estafa laban sa isang beteranang aktres na nakarelasyon niya.

Hindi pa namin nakuha ang buong detalye dahil kakausapin pa namin itong Amerikano na pumunta lang dito dahil ang buong akala niya ay makakasama na niya habang buhay itong si beteranang aktres.

Halos isang taon na pala silang may relasyon at hinimok daw ni beteranang aktres ang karelasyong Amerikano na rito na manirahan.

Kinumbinsi niyang ibenta ni Amerikano ang bahay niya sa Amerika para ibili ng condo unit dito sa sosyal na village sa Makati.

Ipinadala ni Amerikano kay beteranang aktres ang perang mahigit kalahating milyong dolyar.

Pagdating ni Amerikano rito, hindi pa pala nabili ni aktres ang condo unit, kaya pansamantalang nangupahan muna sila. Pero isang araw, nakipaghiwalay na si aktres sa dyowang Amerikano, na hindi alam kung bakit. Kaya binabawi na nito ang mala­king perang ipinadala kay aktres, pero ayaw naman nitong ibigay.

Nakipaghiwalay daw ito nung nakaraang June pa, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabalik ang perang pambili dapat ng condo unit. Napilitan ngayon si Amerikanong boyfriend na magdemanda laban kay beteranang aktres.

Isa sa mga araw na ito ay magsasalita na ang Amerikanong boyfriend para ibunyag itong ginawa ni beteranang aktres sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

AMERIKANO

AMERIKANONG

ANG

HINDI

ISA

JENNYLYN MERCADO

SA SEPTEMBER

STRONG

WINWYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with