^

PSN Showbiz

Mas gusto talagang magpayaman Piolo malabo pang mag-asawa!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang bulilyaso na naman ang plano ni Piolo Pascual na pagtuunan ng pansin ang kanyang lovelife ngayong binata na at unti-unti nang nai-establish ang anak niyang si Iñigo Pascual hindi lamang sa buhay nito kundi maging sa karera na tinatahak ng kanyang anak. Sayang dahil financially stable na siya at wala na silang poproblemahin ng mapapangasawa niya pagdating sa pera. Aktibung-aktibo pa rin ang pag-aartista niya. Meron na siyang mga kumikitang investments na sinimulan niya nu’ng bago pa lamang siyang nag-aartista bukod pa sa mga insu­rance policy sa Sun Life Financial na patung-patong na. Sampung taon na siyang endorser nito.

“Nasa isip ko pa rin naman ang pag-aasawa, pero wala namang dahilan para madaliin ko ito. May panahon pa para makapag-bonding kami ng anak ko bago siya maging ganap na binata, bakit ko naman palalampasin ang ganito kagandang pagkakataon? After this siguro, maasikaso ko na ang sarili ko,” anang binatang ama nang makausap ng media sa first leg ng Freedom Celebration ng Sun Life na naglalayong bigyan ng awareness ang mga tao kung paano mapapaganda ang kanilang kinabukasan.

Bukod sa caravan na sinamahan ng mag-ama ay nagkaro’n pa sila ng concert kinagabihan. Ngayon, pati ang pangarap nitong makabilang sa isang boy band sa U.S. ay nakalimutan na rin ng nakababatang Pascual.

Biro nga ng maraming kumausap kay Piolo, baka maunahan pa siya nga kanyang anak na magkaro’n ng lovelife na tinawanan lamang niya.

Ken Chan payag maghubad sa kamera!

Hindi nag-aalala si Ken Chan na mapabayaan ang kanyang pagkanta ngayong matutuon ang ka­yang pansin sa paggawa ng kanyang lauching serye sa TV na Destiny Rose.

“Nai-launch na ang album ko at maganda naman ang benta nito. Pero talagang priority ko ang aking pag-arte kaya rito muna ako sa Destiny Rose. Kailangan maipakita ko na hindi nagkamali ang mga nagtiwala na sa akin na ibigay ang role. After Destiny Rose, gagawin ko raw ang se­cond album ko na bubuuin ng mga revival songs,” pag-amin ng excited na akor na nagsabing kahit paghuhubad sa Destiny Rose ay gagawin niya kung kinakaila­ngan.

Mga pasa nauuso sa mga artista ngayon?!

Uso yata ang paglabas ng pasa nga­yon na parang unang nakita kay Rufa Mae Quinto at ngayon ay nagsimula namang lumitaw sa katawan ni Kris Aquino. Una nang nag-alala ang maraming nagmamahal sa Kapuso comedienne na hanggang ngayon ay clueless pa rin sa sanhi ng paglabas nito sa katawan ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae). Pero in-assure naman ng seksing komedyana na nagpapagamot siya at inaasikaso naman ng mga doktor niya. Kaya nga may mga post siya na animo ay wala siyang dinaramdam kahit meron pala.

Samantala, may mga pasa rin si Kris na ikinaalarma ng kanyang mga kapatid. Kaya nga sumailalim siya sa isang masusing check-up. May mga susunod pa, pero baka hintayin na niyang makatapos ang pagpapalabas ng Etiquette For Mistresses.

At kung susuwertihin ay baka maituloy pa niya ang paggawa ng Mr. & Mrs. Split nila ni Mayor Herbert Bautista na talaga ayaw niyang i-give up.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DESTINY ROSE

ETIQUETTE FOR MISTRESSES

FREEDOM CELEBRATION

KAYA

KEN CHAN

KRIS AQUINO

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with