^

PSN Showbiz

Julia hindi raw makaarte, seryeng ginagawa muntik mapunta kay Sofia

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Muntik na palang makawala kay Julia Barretto ang seryeng ginagawa nila ni Iñigo Pascual na And I Love You So. Ibinigay na raw kay Sofia Andres ang project with a new script dahil nang mapanood daw ng ilang bossing ang rushes ng mga unang episode, hindi raw na-impress. Kulang daw kasi sa acting si Julia. Kahit daw ang mga kasama nila sa serye ay nagrereklamo na hindi nga makaarte ang young actress.

Pero nahilot naman daw. Ang sabi raw ng mga bossing, last chance na ito for Julia. ‘Pag hindi pa naayos ang acting, tuluyan na itong ibibigay kay Sofia.

Akala ko pa naman ala-Claudine Barretto si Julia. Ano nga kaya ang nangyari?

Enrique sobrang maka-ninja moves kay Liza

Marami na pala ang nakakapansin na sobra na ang pagiging touchy ni Enrique Gil kay Liza Soberano as in over na ang ginagawa niyang ninja moves, new word for tsansing. Sobra naman daw kasi kung makahawak si Enrique at parang inaangkin na niya si Liza.

Surprisingly, may ilan palang hindi favor kay Enrique para kay Liza. Isa rito ang isang showbiz authority na tawagin nating si Tita D. na naiinis kung bakit laging nakahawak ang actor kay Liza. Hindi naman niya kaano-ano ang young actress pero super bet niya kaya imbyerna ito sa ka-loveteam ng young actress.

“Naku marami pang opportunities na darating kay Liza. ‘Wag muna siyang ma-in love kay Enrique noh,” sabi ng isang kilalang Tita ng showbiz.

Bahay nina Ariel walang TV, hindi kilala si Julia

Natawa naman ako sa dialogue ni Ariel Rivera kahapon sa presscon ng Dob­le Kara na hindi niya kilala si Julia Montes. Kailangan pa raw niyang tanungin ang asawa niyang si Gelli de Belen kung sino si Julia.

“I asked my wife who Julia was, pakita mo nga sa akin sa Facebook or whatever kung sino si Julia. Tapos sabi niya, eto si Julia Montes, and then, sabi ni Carmina Villaroel, napakabait na bata niyan, napakabait,” sabi ni Ariel na gaganap na biological father ng karakter ni Julia.

Hindi raw kasi siya nanonood ng TV kaya hindi niya kilala. At wala raw siyang kilala sa mga artista.

“I don’t watch TV so, I don’t know who anybody is,” pangu­ngumpisal pa ng actor sa presscon ng Doble Kara kahapon.

Busy daw kasi siya sa mga anak niya, sa pakikipaglaro ng basketball na kahit ang teleserye niya ay hindi niya napapanood.

Ang tanong, baka naman walang TV sa bahay sina Ariel at hindi man lang niya nasisilip ang mga artista?

Kahit kaya news programs hindi nanonood si Ariel?

Carmina wala sa hitsura na 40 na

Kahit birthday na birthday niya, present si Carmina Villaroel sa presscon ng Doble Kara kahapon.

Forty years old na ang actress. Pero wala sa hitsura niya, kasi nga sa katawan niya na hindi tumataba.

Nauna nang nagkaroon ng birthday salubong sa actress ang kanyang anak na kambal.

Katatapos lang ni Carmina sa Bridges of Love pero heto at iba na naman ang character niya sa Doble Kara.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CARMINA VILLAROEL

DOBLE KARA

ENRIQUE

HINDI

JULIA

JULIA MONTES

KAHIT

KAY

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with