^

PSN Showbiz

Mariel ‘di lang kambal, triplets pa ang ipinagbubuntis?! Kapatid ni Aiko sinasaktan ang sariling ina

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Impressed pa rin ang mga reporters kay Jeric Raval na nagbabalik sa pelikulang Manila’s Finest na idinirek ni William Mayo.

Sabi ni Jeric, sinisikap pa rin naman daw niyang maging fit kahit nung hindi na siya active sa pag-aartista.

Nalulungkot daw siya sa ilang kasabayan niyang pinabayaan ang sarili, kaya siya ay sinisikap na laging maayos ang sarili dahil patuloy pa rin naman daw ang business niya.

Inaamin din ni Jeric na kahit hanggang ngayon ay marami pa rin daw ang nagpaparamdam sa kanya, at minsan daw ay nakakatanggap siya ng indecent proposals na idinadaan sa Facebook. Pero masaya na raw siya sa asawa niya at limang anak, kaya dedma na siya sa mga ito.

PAK: Posibleng triplets daw ang ipinagbubuntis ni Mariel Rodriguez?

Tuwang-tuwang ipinost ni Robin Padilla sa kanyang Instagram account ang bagong ultrasound results na kuha sa Asian Hospital.

Inilagay din niya sa caption ang mensahe sa kanya ni Mariel.

Aniya; “Aug 3, 2015 Asian Hospital/Clinic of Dra. Manalo-pwede raw maging triplets!!! Hahaha triplets or twins daw!! But yung isa sa kanila may heartbeat na!!! possibility pa lang yung triplets eh, hindi pa sure kasi possible na nagfofold yung isa kaya nagiging 3 pero gulat na gulat si doctora and for the first time nakita ko na kinilig siya sabi niya ‘the heartbeat made my day’, masyado akong masaya!!! 1 has a heartbeat, 1 has a forming fetal pole and 1 has a sac. All iba ibang age, but I have a condition that I have to explain to you later, so I will take blood tests.”

Dagdag na caption ni Robin; “Maria, Juan and Gabriella de Padilla GOD WILLING IN SHA ALLAH maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng inyong mga dasal at malalim na suporta kay @organicaholic_mariel”

BOOM: Humihingi ng tulong si Deborah Sun kay Aiko Melendez para ipa-rehab na raw si Jam Melendez.

Nabanggit naman noon ni Aiko na willing siyang tulungan ang kapatid niya, pero this time ay hihintayin na lang niyang lumapit sa kanya si Jam.

Pero mukhang mahirap nang lumapit si Jam sa kanya dahil mahirap na raw itong i-control ayon kay Deborah.

Dumanas daw si Jam ng matinding depression kaya ang tingin niya parang Schezophrenic na ito.

Nagpa-interview si Deborah sa Startalk nung nakaraang linggo, at ipinakita niya ang nakakaawang kalagayan ni Jam.

Kamakalawa lang ay nagsumbong si Deborah sa Startalk na sinaktan na raw siya ni Jam kaya dinala na niya ito sa isang facility para ipa-rehab. Kaya humihingi na ng tulong si Deborah para pantustos sa pagpaparehab sa kanyang anak.

vuukle comment

ACIRC

AIKO MELENDEZ

ANG

ASIAN HOSPITAL

DAW

DEBORAH SUN

JAM MELENDEZ

JERIC

JERIC RAVAL

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with