^

PSN Showbiz

Gustong ‘matikman’ Benjamin ang lakas ng tama kay Alice Dixon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sinagot ni Benjamin Alves ang tanong ng press people kung bakit madalas siyang nakahubad sa mga eksena niya sa Beautiful Strangers at hindi raw dahil sa kikilitiin niya ang female at bading na viewers ng drama series. Dahil ito sa triathlon athlete ang role niya at kailangan ang mga nakahubad na eksena niya.

Sabi ni Benjamin, pareho sila ni Rocco Nacino na may six-pack abs at may competition sila kung sino ang magkakaroon ng eight-pack abs hanggang matapos ang takbo ng Beautiful Strangers.

Blessed ang feeling ni Benjamin na makasama sa cast ng nasabing drama series na magsisimula ang airing sa August 10 dahil he’ll be working with Christopher de Leon, Dina Bonnevie, at Heart Evangelista as his parents and sibling. Dagdag na excitement sa kanya na muling makatrabaho si Lovi Poe at makasama si Rocco.

Bago siya mag-report sa taping, tinitiyak niyang nakapaghanda na siya dahil ayaw niyang mapahiya at gustong makasabay sa husay sa acting ng mga kasama. Sabi nito, so far, hindi pa nadi-disappoint si director Albert Langitan sa kanya.

Sorry pala sa mga nag-isip na may ligawang nangyayari sa kanila ni Glaiza de Castro. Good friends lang daw silang dalawa. Kung may nagpapakilig kay Benjamin ‘yun ay si Alice Dixon. Masaya siyang nasa GMA 7 ang aktres at wish niyang makasama ito sa future show niya sa network.

“Ngayon pa lang ni-request ko na ‘pag nagkasama kami ni Alice, hindi brother o cousin niya ang role ko, gusto ko leading man niya,” wika ni Benjamin.

Ritz natatakot sa sobrang pagpapa-sexy

Feeling blessed si Ritz Azul na mapasama sa cast ng Misterless Misis, ang bagong comedy show ng TV5 dahil bukod sa maganda ang show sa direction ni Mark Meily, katrabaho niya sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, Mitch Valdez, Andie Gomez, at Ruffa Gutierrez. Ang sarap daw ng feeling na makasama sa powerful cast ng show.

Ginagampanan ni Ritz ang role ni Mia, single mom, Physical Therapist at itsinitsimis ng mga kapitbahay. Sexy ang costumes niya rito at wish nitong hindi siya magkaproblema sa viewers at sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) sa kanyang mga isusuot.

Kuwento pa ni Ritz, masaya sila sa set dahil si Mitch ay laging kumakanta. Si Gelli naman ay walang katapusan ang tsika sa K-Pop. Aliw din siya sa reaction ni Ruffa ‘pag nagbabasa ng messages sa phone niya. Si LT naman la­ging may dalang fruits.

Dagdag na blessings kay Ritz ang muling pagkakasama sa 100 Most Beautiful Stars 2015 ng Yes! Magazine. Four years na siyang nakasama sa most beautiful list at three years na siyang nakasama sa 100 Sexiest ng FHM magazine.

Wendell naghubad agad sa paglipat sa Kapamilya

Nasa cast na pala ng Pasion de Amor si Wendell Ramos bilang si Gabriel at gaya sa ibang cast, marami siyang eksena na nakahubad. Hindi magpapatalo si Wendell kung ganda ng katawan at abs din lang ang usapan dahil may ipagmamalaki siya.

Ang alam namin, sa Someone To Watch Over Me ng ABS-CBN pa rin kasama si Wendell, pero hindi muna natuloy ang nasabing teleserye dahil nagbuntis si Judy Ann Santos.

Luis sa TV5 muna raraket

May kasunod agad na show si Luis Alandy pagkatapos ng The Rich Man’s Daughter, pero hindi sa GMA 7, kundi sa TV5. Kinuha siya ng TV5 para sa My Fair Lady na ang nabanggit ni Jasmine Curtis-Smith ay Philippine adaptation ng isang Koreanovela.

Maganda ang role ni Luis sa My Fair Lady dahil ka-triangle siya nina Jasmine at Vin Abrenica rito. Ipinagpaalam si Luis sa GMA 7 ng manager niyang si Noel Ferrer, kaya walang magiging isyu kung sa TV5 muna siya mapapanood.

Speaking of Luis, kumakanta rin pala ito at napanood namin itong kumanta kasama sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos na mga kasama niya sa TRMD, sa nakaraang GMA Grand Kapuso Fans Day.

Anyway, dahil may bagong show sa TV5 si Vin, ibig bang sabihin hindi na siya magpapa-release ng kontrata niya sa kanyang home network?

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

DAHIL

HINDI

LUIS

MY FAIR LADY

NBSP

NIYA

SIYA

WENDELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with