^

PSN Showbiz

Alaga raw ng bading at tiboli naman ang isa, aktor at aktres hiwalay na talaga

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang ferris wheel na paikut-ikot ang isinasagot ng isang nagkahiwalay na showbiz couple ngayon kapag tinatanong sila tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Ang isinasagot ng babae ay wala raw namang problema sa kanila ng kanyang boyfriend na aktor, natural lang daw ang mga ganu’ng tampuhan sa mga nagmamahalan, pero okey na okey raw naman sila.

Pero ang isda nga ay naghuhuli sa bibig at hindi naman sa buntot, kaya paminsan-minsan ay kumakabyos ang dila ng dalaga, may problema nga raw silang pinagdadaanan ngayon pero kayang-kaya pa nilang pag-usapan ‘yun ng kanyang boyfriend.

Pero walang naniniwala sa kanyang mga katwiran. Pinagtataasan lang ‘yun ng kilay ng mas nakararami. Maraming-marami nang nagbago sa kanilang samahan ngayon kaya naniniwala ang mga nakapaligid sa kanila na totoong naghiwalay na ang hunk actor at ang magandang aktres.

Sabi ng isang miron, “Hindi na siya sinusundo ng guy pagkatapos ng work niya. Hindi na rin siya nakikitang may kausap sa phone o kaya, e, ka-text.”

Sayang na relasyon. Marami pa naman ang umaasa na sa altar na hahantong ang kanilang pagmamahalan. Akala pa naman ng kanilang mga kaibigan at katrabaho ay may forever sa kanilang relasyon.

Sabi nga ng kanilang mga kaibigan ay bibihira na lang ang relasyong tulad ng sa kanila na tahimik, maayos  at hindi maintriga. Pero sa wala pa rin ‘yun nauwi.

Isang sutil na miron ang nagsabi, “Paano sila magtatagal? ‘Yung girl, dati nang napapabalitang kabaro rin niya ang gustong karelasyon. Ang lalaki naman, alaga ng mga bading! Paano sila magkikita sa altar?”

Ubos!

Daniel kailangang maging mas maingat

Mabuti naman at inagapan agad-agad ni Daniel Padilla ang pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa makasaysayang pambubuga ng usok sa kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Hindi raw siya nagsisigarilyo, wala raw siyang bisyo, pekeng yosi lang daw ang pinanggalingan ng water vapor na ibinuga niya kay Kathryn na parang sasabuning manok.

Kailangan nang mag-ingat ang sikat na heartthrob sa kanyang mga kilos at pananalita. Sa kanya nakasentro ang atensiyon ng publiko bilang pinakasikat na bagets actor, anumang gawin at sabihin niya ngayon ay malaking balita, lalo na kung negatibo ‘yun na makasisira sa kanyang imahe.

Kung isa-dalawa lang ang nagpapayo sa kanya ay kailangang madagdagan, mas maraming bibig na nagpapaalala sa kanya ay mas makabubuti, dahil ang mga teenager ngayon na tulad ni Daniel ay maraming gustong madiskubre.

Walang kasiguruhan ang pag-aartista, isang maling hakbang lang na maling-mali ay mauuwi na sa katapusan ng kanilang career, nakapanghihinayang na ang oportunidad na ipinagkatiwala sa kanila ay balik pa sa dati ang kanilang buhay.

Madalas naming napapasok ang personal na buhay ng mga artista, nakakausap namin ang kanilang pamilya at mga kamag-anak, gusto naming isipin na katangi-tangi si Daniel Padilla sa masarap na respeto at pagmamahal na kusang-loob niyang ibinabahagi sa kanyang ama, ina, at mga kapatid.

Hindi maramot si Daniel, sa unang milyong kinita niya ay bahay agad ang naisipan niyang ipundar para sa kanyang pamilya, ipinaghintay muna ni DJ ang para sa kanyang sarili dahil mas mahalaga para sa kanya ang bubong na sisilungan ng kanyang ina at mga kapatid.

At ang mga kabataang tulad ni Daniel Padilla ay kahanga-hanga, maganda silang ehemplo para sa mga bagets na tulad nila, mas humaba pa sana ang kanyang panahon bilang sikat na heartthrob.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DANIEL

DANIEL PADILLA

KANILANG

KANYANG

KATHRYN BERNARDO

MGA

PAANO

PERO

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with