^

PSN Showbiz

Drew at Iya ‘di pa nag-e-effort magkaanak

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala pa rin sa plano ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania na magkaanak. Ang say ni mister, hindi pa agad-agad. Pero kung magkakaroon na next year, magpapasalamat sila sa blessing.

Ngayon nga ay nadagdagan pa ng trabaho si Drew dahil siya ang napiling host ng San Miguel Pure Foods Home Foodie na magsisimulang mapanood sa August  10 sa GMA 7 right after Unang Hirit at beginning August 15, every Saturday and Sunday within Balitanghali on GMA News TV.

Makakasama ni Drew sa programa ang mga chef ng San Miguel Pure Foods Culinary Center na sina chefs Llena Tan-Arcenas, Rene Ruz and RJ Garcia.

Sa programang ito raw matututo ang mga manonood na magluto ng parang sa restaurant na puwede nilang i-share sa kanilang social media accounts. Alam n’yo naman ang mga tao ngayon, priority ang mag-picture ng mga pagkain.

Eh kilalang foodie si Drew dahil na rin sa pag-iikot niya sa iba’t ibang lugar para sa kanyang travel show naman.

Naniniwala rin ang San Miguel Pure Foods na  bukod sa pagkain sa mga restaurant, ang mga foodie ay dapat ding matutong magluto sa kanilang mga bahay upang mas ma-enjoy at mapalawak pa ang kanilang karanasan at kaalaman sa pagkain at pagluluto.

Three minutes lang ang show as in tuturuan lang kayong mag-reinvent and mag-recreate ng mga dishes gamit ang kanilang produkto.

Kaya nga thankful si Drew dahil kahit hindi siya magluluto sa show, matututo pa rin siya at makakatikim ng masasarap na pagkain. Ang misis kasi niyang si Iya, tuwing magluluto ng breakfast, puro itlog lang. Yup iba’t ibang klase na luto ng itlog. Pero nag-e-enjoy daw ang asawa niya sa kusina.

Ito raw kasing Home Foodie ay hindi lang para sa mga misis, swak din daw ito sa mister na gustong magluto at maging aktibo sa kusina kaya sabi ng mga taga-San Miguel, perfect choice si Drew sa kanilang programa.

Bukod sa masasarap na luto, kering-keri rin daw ang presyo ng mga sangkap sa pagluluto nila.

Hindi na ni Drew nabibilang kung ilang show na ang nagawa niya pero lahat ng programa niya sa GMA.

Hindi hampaslupa si Jordan - Ruffa

Maraming nagkaka-interes panoorin ang sisimulang programa ng TV5 sa August 9 na Misterless Misis.

Isa kasi itong naiibang sitcom na magtatampok kina Lorna Tolentino, Gelli De Belen, Ritz Azul, kasama si Mitch Valdez at Ruffa Gutierrez, at ang showbiz newcomer na si Andie Gomez.

Mala-Sex in the City umano ang concept ng programa na mapapanood every Sunday.

Bibigyang buhay nila ang anim na magkakaibigan na sabay-sabay humaharap sa responsibilidad nila bilang ina, breadwinner, at bilang matatag na Misterless Misis sa paraang magpapatawa sa mga manonood.

Gagampanan ng multi-awarded actress na si Lorna Tolentino ang papel ni Jenny, ang career oriented woman na pagod na pagod pagdating sa pag-ibig pero nagawa niyang gawing katatawanan ang mga pangyayari sa kanyang buhay.

Si Gelli De Belen naman ay gaganap bilang Lisa, isang asawa ng OFW na pinapaulanan ng tsismis tungkol pangangaliwa ng kanyang asawa.

Ang homegrown TV5 actress na si Ritz Azul naman ay gaganap bilang Mia, ang sexy at misteryosang babaing bagong lipat sa kanilang lugar. Pagmumulan naman ng bulungan at tsismis sa mga kapitbahay ang iba’t ibang mga lalaki na pumupunta sa bahay ni Mia.

Ang seasoned performer na si Mitch Valdez ay gaganap bilang Elsa, ang bagong biyuda na nahihirapan makapag-move on sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Kasama rin sa cast ng Misterless Misis ang showbiz newcomer na si Andie Gomez na gaganap bilang Tiny, ang anak ni Elsa na nabuntis sa pagkadalaga. Sa kabila ng kanyang malusog na pangangatawan, malaki ang kumpiyansa ni Tiny sa sarili at naniniwalang maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya.

Kumukumpleto sa cast ang showbiz royalty na si Ruffa Gutierrez na gaganap bilang Diana, hiwalay sa asawa ngunit hindi sumusuko sa paghahanap ng kanyang Mr. Right. Naniniwala si Diana na walang nasusulat saan man na isang tao lamang ang pwedeng mahalin ng isang babae habang siya’y nabubuhay.

Pero sa totoong buhay nahihirapan si Ruffa na maghanap ng Mr. Right dahil pakiramdam niya lahat ng lalaking successful, may asawa na. Kaya nga alam niyang kailangan talaga niyang mag-import. Boyfriend ni Ruffa si Jordan Mouyal na kontrang-kontra ang ina niyang si Annabelle Rama dahil katuwiran ng ina niya, hindi ito mayaman at ‘di sila kayang buhaying mag-iina. Pero katuwiran naman ni Ruffing hindi naman tambay o walang pinag-aralan ang BF. Malamang daw hindi lang alam ng kanyang mom ang nature ng job nito.

Si Ms. LT naman ay sinasabi na noon na wala na siyang planong mag-asawa at never siyang naghanap “pero kung may darating, darating naman ‘yun,” pahayag ni LT.

Sa ilalim ng direksyon ni Direk Mark Meily, mapapanood ang Misterless Misis tuwing Linggo, simula Agosto 9, 9:00 p.m. sa TV5.  

vuukle comment

ACIRC

ANDIE GOMEZ

ANG

HINDI

LORNA TOLENTINO

MGA

MISTERLESS MISIS

MITCH VALDEZ

MR. RIGHT

NAMAN

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with