^

PSN Showbiz

Para na ring si Angelica sa kakikayan, Barbie gustong pahalik kay Andre!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Feel na feel ko na malapit nang ma-develop si Barbie Forteza sa aking anak-anakan na si Andre Paras bilang sila ang magkapareha sa The Half Sisters ng GMA 7.

Malakas ang kutob ko na biro na totoo ang sinabi sa akin ni Barbie na ihanap ko naman ng time si Andre para mapag-date sila.

Super-busy kasi si Andre dahil sa rami ng mga ginagawa nito, nag-aaral, nagpa-practice ng basketball, may tapings para sa The Half Sisters at sa show nila ni Yassi Pressman sa MTV, at shooting ng Girlfriend for Hire na launching movie ng loveteam nila ni Yassi.

Parang hindi na-offend si Barbie nang sabihin ko na prim and proper ang mga babae na type ni Andre.

Puring-puri ni Barbie si Andre dahil sa mahigit isang taon na pagsasama nila sa The Half Sisters, never na nagbago ang ugali ng kanyang leading man na mabait sa lahat ng mga katrabaho, lalung-lalo na sa production crew.

Nang sabihin ko kay Barbie na ipapa-date ko na lang siya kay Kobe, ang younger brother ni Andre, kinilig siya at nag-dialogue na magiging choosy pa ba siya?

Tawang-tawa ako sa pagiging kikay ni Barbie na kung anik-anik ang mga sinasabi. Nakakaloka si Barbie na parang Angelica Panganiban ng GMA 7.

Nang tanungin kung payag na siya na magkaroon sila ni Andre ng kissing scene sa The Half Sisters, talagang inamoy ni Barbie ang kanyang hininga at nag-dialogue na kailangan muna niya na magpunta sa isang dental clinic.

Ang mga kagagahan at kakikayan ni Barbie ang isa sa mga rason kaya minahal siya ng entertainment press na aliw na aliw sa pagiging totoong tao niya.

Masarap mag-pastillas nanay ni Barbie, isa sa dahilan ng pagiging diabetic ko!

Birthday ni Barbie sa Biyernes, July 31, at turning 18 years old na siya.

Parang kailan lang, bagets na bagets si Barbie nang ipakilala siya sa isang teleserye ng GMA 7.

Nasubaybayan ko ang paglaki at pagdadalaga ni Barbie na 12 years old nang maging contract star ng Kapuso Network.

Masarap gumawa ng pastillas ang nanay ni Barbie at alam ko ito dahil palagi niya akong pinadadalhan. May duda nga ako na nag-contribute sa pagiging diabetic ko ang mga pastillas na ipinadadala ng madir ni Barbie na hindi sinamahan ang kanyang anak sa birthday presscon nito kahapon.

Unti-unti nang pinakakawalan ng mga magulang

Ikinuwento ni Barbie na ngayong nasa legal age na siya, dahan-dahan nang ibinibigay ng kanyang mga magulang ang independence niya.

Hinahayaan na nila si Barbie na mag­desisyon para sa sarili at sa legal matters pero nakasubaybay pa rin sila sa kanilang anak.

Kahit siguro bigyan siya ng kalayaan ng mga magulang niya, hindi ang tipo ni Barbie ang aabusuhin ang tiwala na ipinagkaloob ng kanyang madir at fadir. Sana nga, hindi matulad si Barbie sa ibang mga young star na naliligaw ng landas ang nalulunod sa popularidad na temporary lamang.

Wais sa pera

Agree ako sa paniniwala ni Barbie na hindi niya kailangan ng bonggang debut party dahil mas magiging maligaya siya kapag natupad ang kanyang pangarap na mabili ang dream car.

Aanhin mo nga naman ang isang engrandeng birthday party kung nakanganga ka pagkatapos ng sosyal at bonggang selebrasyon?

Type ko ang pagiging praktikal at wise ni Barbie. Hindi siya katulad ng ibang mga artista na nangu­ngutang basta magkaroon lang ng sosyal na debut party. Ang mga tipo ni Barbie ang uunlad ang pamumuhay kung ipagpapatuloy niya ang matalino na paggastos sa kanyang mga datung.

Mga batang may sakit pasasayahin

Kasado na ang birthday celebration ni Barbie sa Philippine Children’s Medical Center sa August 6.

Hinihikayat ni Barbie ang kanyang mga kaibigan at fans na mag-donate, in kind, para sa mga batang pasyente ng PCMC. May mga donation box na ilalagay sa lobby ng GMA 7 hanggang sa August 5 dahil personal na dadalhin ni Barbie sa PCMC ang mga donasyon sa August 6.

vuukle comment

ACIRC

ANDRE

ANDRE PARAS

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BARBIE

BARBIE FORTEZA

HALF SISTERS

KANYANG

MGA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with