^

PSN Showbiz

Derek tambak ang gagawing pelikula pagka-renew sa TV5

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa pagri-renew niya ng kanyang kontrata sa Ka­patid Network, surprised si Derek Ramsay na lima-lima ang naghihintay sa kanyang peliku­la. At  lahat ito ay iba-iba ang kanyang kapareha, hin­di lamang mga stars ng TV5 kundi mga artista na nagku-crossover from their own networks to TV5. Tulad nina Anne Curtis at Coleen Garcia na parehong taga-ABS-CBNReunion movie lang nila ito ni  Anne, pero first time nila ng girlfriend ni Billy Crawford. Kaya masaya si Derek sa pasyang manatili siya ng Singko.

Barbie mas gustong ilagay sa kaba-ong at ibaon kesa tumalon sa building

Parang nalalapit na ang wakas ng The Half Sisters kahit na sinabi sa akin ng produksyon na aabutin  pa ang airing nito hanggang sa  June. Paano kasi, malapit nang mailigtas ng gumaganap na kanyang ina sa serye na si Jean Garcia  si Barbie Forteza na pumayag mailagay sa iisang kabaong at ibaon sa lupa ang character niya. Hindi naman siya takot sa mga ganitong eksena. Mas takot siya kung patatayin siya sa isang building at patitinginin sa ibaba.

Hindi mapapasubalian na pinahihirapan ng The Half Sisters ang kanyang mga kalaban sa nasabing oras at proud si Barbie na nagawa niya ang hinihingi ng kanyang role. Bonus sa kanya ‘yung pagkakaroon ng kapareha in the person of Andre Paras.

Paolo dumating na ang big break sa pagmi-make up

Dumating na rin ang big break ni Paolo Ballesteros. Na-realize siguro ng mga movie producer na nagdaraan ang panahon na hindi nila nagagamit ng maayos ang talent ng Dabarkads kung kaya naisip ng prodyuser ng Eat Bulaga na sugalan siya ng isang pelikula. Pinaplano na ito. May gagawin din siyang  isa pang pelikula sa direksyon naman ni Jun Lana.

Nagbago na talaga ang buhay ni Paolo nang magsimula siyang gumawa ng pangalan sa larangan ng pagmi-make up. Walang mukha siyang hindi nagagaya  at kung hindi lamang siya Kapuso ay baka nahiram na siya ng Kapamilya Network para mag-makeup sa celebrities na kasali sa Your Face Looks Familiar. Pagdating sa aktingan, may episode sila ni Alden Richards sa isang Lenten presentation ng APT sa Sabado de Gloria.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDRE PARAS

ANNE CURTIS

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BILLY CRAWFORD

HALF SISTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with