^

PSN Showbiz

PacMay hindi na kailangan ng promo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SCENE: Nagsimula na ang boxing training nina Congressman Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. Nag-eensayo si Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California at si Mayweather sa sariling gym nito sa Las Vegas.

SEEN : Limitado ang promo tour ng May 2 fight nina Congressman Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. Hindi na nila kailangan ng maraming promo tour dahil mabenta ang tickets para sa kanilang laban.

SEEN: Sumakabilang-buhay kahapon ng 10:30 a.m. sa edad na 28 dahil sa lung cancer ang Youtube sensation na si Jam Sebastian.

SCENE: Tinupad ni Maricar Sebastian ang pangako na siya mismo ang magkukumpirma sa Facebook account niya ng pagpanaw ng kanyang anak na si Jam Sebastian. Dokumentado ni Maricar sa Facebook ang lahat ng kanyang mga television interview at ang mga sikat na personalidad na dumalaw kay Jam sa ospital.

SEEN: Hindi na umabot si Jam Sebastian sa kanyang 29th birthday sa March 20.Until we meet again ang mensahe kay Jam ng kanyang girlfriend na si Mitch Liggayu na nasaktan ang kalooban sa mga huling oras ng buhay ng boyfriend niya:

“Nakapag-decide na ang family. Hinihintay na lang maubos ‘yung gamot ni Jam.  Hindi ko kayang tignan ngayon ‘yung ginagawa sa kanya.

“Na inaayos na siya. Ang sakit marinig na napag-uusapan na kung anong susuotin niya. Sabay- sabay tayong mag- pray for Jam na makaramdam na siya ng love and comfort sa arms ni God.

“Pag-pray din natin na maging strong tayong lahat. Everything will be okay...  We love you Jam Fernando Sebastian. I’m sure magiging sobrang ganda and happy ng birthday celebration mo sa heaven.

“Sana ma-dream kita na ipaalam mo lang sa amin na masaya ka na and healthy ulit with God. Thank you for everything... No words can explain. Until we meet again...”

vuukle comment

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

FACEBOOK

FLOYD MAYWEATHER

JAM

JAM FERNANDO SEBASTIAN

JAM SEBASTIAN

JR. HINDI

JR. NAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with