^

PSN Showbiz

Jolo nagsusuka ng dugo at lomobo ang tiyan; Dingdong ginaya lang si Marian, ayaw patulan sina Karylle at Vice; ‘I’m Sorry Papa’ - Jolo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Medyo emotional si Ralph Fernandez nang nakausap namin sa presscon ng bagong drama series ng GMA Telebabad na Pari ‘Koy dahil napag-uusapan namin ang nangyari kay Jolo Revilla.

Isa si Ralph sa nabahala sa kalagayan ni Jolo. Kung totoo ang napabalitang sobrang nadi-depress daw si Jolo, sana isipin na lang daw ng kaibigan niya na nandiyan pa rin naman si Sen. Bong Revilla at patuloy na nakikipaglaban.

“Mabuti nga siya buhay pa ang Papa niya,” pakli ni Ralph.

Medyo senti si Ralph nang makausap namin dahil kahapon ay kaarawan dapat ng kanyang amang si Rudy Fernandez.

PAK: Ayaw nang patulan ni Dingdong Dantes ang pasaring nina Karylle at Vice Ganda tungkol sa isyung two-timing.

Hindi siya tinigilan ng mga reporter na hingan ng reaksyon pero kagaya ni Marian Rivera, ayaw na nilang sagutin dahil wala namang binanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy.

Sabi lang ni Dingdong: “Ipagdasal ko na lang sila,”  bilang isang pari ang role niya sa Pari ‘Koy na magsisimula na sa Lunes, March 9 sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

BOOM: Masyadong emotional ang pagtatagpo ng mag-amang Sen. Bong Revilla at Vice Governor Jolo Revilla kahapon.

Binigyan ng Sandiganbayan si Sen. Bong ng limang oras na makasama ang kanyang anak sa hospital.

Hindi napigilan ni Jolo na maiyak nang makita ang kanyang ama. “I’m sorry Papa,” ang sinabi nito. Sinagot naman siya ni Sen. Bong ng “We have to be strong anak.”

Lalong nag-alala ang buong pamilya dahil sa bagong kumplikasyon sa kalagayan ni Jolo.

Nagsuka siya ng dugo, at lomobo ang kanyang tiyan. Kaya naka-schedule siya ng panibagong CT scan na maaring gagawin sa gabi. Kaya humihingi sana si Sen. Bong ng extension sa Sandiganbayan kung puwedeng nandun siya habang ini-CT scan ang kanyang anak.

Malaking bagay din si Jodi Sta. Maria na tumutulong sa pag-aalaga kay Jolo sa hospital.

Sabi ng Kapamilya aktres, nandun lang daw siya bilang suporta sa kanyang kasintahan. Ayaw na raw niyang magsalita dahil mas mabuting ang pamilya na lang daw ang magbigay ng statement sa tunay na kalagayan ni Jolo.

vuukle comment

AYAW

BONG REVILLA

DINGDONG DANTES

JODI STA

JOLO

JOLO REVILLA

KAYA

MARIAN RIVERA

MEDYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with