^

PSN Showbiz

Jolo may infection, pagdurugo ng baga hindi pa tumitigil

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May bleeding pa rin kahapon sa baga ni Jolo Revilla at hindi nawawalan ng pag-asa si Lani Mercado na gagaling ang kanyang anak dahil siya ang nagsabi ng ang Panginoon natin ang ultimate healer.

Kahit may bleeding, stable ang kundisyon ni Jolo na nagkaroon ng lagnat, isang  indication na may infection sa katawan niya  pero hindi naman nagkukulang ang mga doktor at nurses na nag-aalaga sa kanya.

Inoperahan si Jolo noong Linggo nang hapon dahil inalis ng mga doktor ang dugo sa kanyang lungs. Halos isang litro ng dugo ang naalis mula sa baga niya.

Bong hindi pa napagbibigyan ng Sandigan

Hindi pa naglalabas  ng desisyon ang Sandiganbayan tungkol sa urgent motion ni Senator Bong Revilla, Jr.

Hapon na nang malaman ko na hindi  nakapaglabas ng desisyon ang Sandiganbayan  kaya hindi nakaalis si Bong sa PNP Custodial Center para makita ang kanyang anak.

Dinala kahapon nang umaga sa Sandiganbayan ng mga abogado ni Bong ang kanyang request.

Nag-submit sa Sandiganbayan ng clinical abstract ni Jolo ang mga abogado ni Bong. Naka-attached ang dokumento sa urgent motion ni Bong para payagan ito ng Sandiganbayan na dalawin sa ospital ang kanyang anak.

Jolo 27 na sa March 15

Sa March 15 ang 27th birthday ni Jolo at ang gumaling agad siya ang birthday wish para sa kanya ng mga supporter niya.

Pagkatapos ng operasyon noong Linggo, ibinalik si Jolo sa ICU ng Asian Hospital and Medical Center. Umaasa ang mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Jolo na maililipat ito sa regular room  ng ospital sa lalong madaling-panahon.

Picture ni Jolo sa ICU kumalat

Hanggang kahapon, naka-confine si Jolo sa ICU ng Asian Hospital and Medical Center at strictly no visitors allowed.

Kumalat kahapon ang ICU picture ni Jolo at ayon sa mga news reporter, ang staff ni Bong ang nagbigay sa kanila ng mga kopya ng litrato.

Sa picture pa lang nakita ni Bong ang sitwasyon ni Jolo dahil hinihintay pa nga niya ang resulta ng urgent motion na isinumite ng kanyang mga abogado sa Sandiganbayan.

Startalk hindi pinag-usapan sa social media ang balita kaya nagri-rate

Nag-attend ako kahapon sa meeting ng Startalk staff at happy ang lahat dahil sa mataas na ratings ng aming show.

Lalong ginanahan ang staff na maghanap ng maiinit na showbiz news na ihahatid sa televiewers. Mga showbiz news na hindi pa nababasa sa social media at nanggagaling mismo mula sa mga artista na KSP at uhaw sa publicity.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa aming show. Ang kumpletong detalye at mga bagong development  tungkol sa kalagayan ni Jolo ang mapapanood  n’yo sa Startalk sa darating na Sabado.

Marian hindi na apektado sa mga intriga

Aliw na aliw kay Marian Rivera ang mga reporter na dumalo sa grand launch ng Inner Beauty noong Sabado sa TriNoma. Ang Inner Beauty ang perfume ni Marian para sa Bench na mabibili sa lahat ng Bench stores.

Nahirapan ang mga reporter na intrigahin si Marian dahil very positive ang attitude niya. Halatang-halata raw na maligayang-maligaya si Marian mula nang ikasal sila ni Dingdong Dantes dahil magaganda at positive ang kanyang mga sagot sa mga intriguing question.

Hindi ako invited sa press launch ng Inner Beauty pero type ko na magkaroon ng pabango ni Marian na very affordable pala ang presyo.

vuukle comment

ANG INNER BEAUTY

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BONG

INNER BEAUTY

JOLO

SANDIGANBAYAN

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with