^

PSN Showbiz

Nonito Donaire ipaglalaban ang karangalan laban kay William Pardo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang kuwento ni Nonito Donaire ay hindi naiiba sa kuwento ng karaniwang Juan: dehado pero palaban, ‘di sumusuko. ‘Yung ‘underdog’ na gustung-gustong suportahan ng lahat. Ngunit hindi pa tapos ang kuwento dahil sa Pinoy Pride 30: D-Day, sa Marso 28, magbabalik si Donaire sa ibabaw ng ring at ipaglalaban ang kanyang karangalan laban kay William Pardo ng Brazil.

Ipinanganak at unang lumaki si Nonito sa Talibon, Bohol, kasama ang kanyang tatlo pang kapatid. Sakitin at tampulan ng tukso ang batang Donaire nang ito’y pumapasok pa sa paaralan kung saan nag-aral ng elementary ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sino ba ang mag-aakala na itong si Nonito ay magiging kampeon hindi lamang sa isang dibisyon, kundi sa lima?

Dehadung-dehado nga ang boksingero nang kanyang harapin ang Armenian na si Vic Darchinyan, ang kampeon na umabuso sa kanyang kuya Glenn sa loob ng ring, na naging tuntungan niya sa pagsikat.

Walang nakaisip na isang batang nangarap at lumipat ng Estados Unidos para samahan ang ama ay mangangalap ng mga medalya at tropeo at magiging isa sa mga kinatatakutang amateur boxers doon.

Walang nakakitang magagawa niyang manalo ng sunud-sunod sa loob ng 12 na taon. Ngunit wala ding nag-akala na siya’y magkakaroon ng dalawang talo na sadyang ikinagulat ng lahat at halos magkasunod pa.

Ngunit, nasa nakaraan na ang kanyang pagkatalo kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba at Nicholas Walters ng Jamaica. Panibagong simula na ito ng boksingerong tinaguriang The Filipino Flash. At ang bagong pagsubok sa kanyang karera ay gaganapin sa harap ng kanyang mga kababayan.

Inihahandog ng ABS-CBN Sports at ALA Promotions ang Pinoy Pride 30: D-Day na itatampok si Nonito Donaire at ang WBO Minimumweight champion na si Donnie “Ahas” Nietes.

vuukle comment

D-DAY

DONAIRE

ESTADOS UNIDOS

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RIGONDEAUX

KANYANG

NGUNIT

NONITO DONAIRE

PINOY PRIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with